Carmina Villaroel, Masayang-masaya sa Birthday Surprise ng Kanyang Pamilya sa Pagdiriwang ng kanyang Kaarawan

Iba naman talaga ang hatid na saya kapag nakakatanggap tayo ng surpresa mula sa ating mga mahal sa buhay.

At noong araw ng Lunes, ika-17 ng Agosto, ay labis ang naramdamang kaligayahan ng Kapuso actress at celebrity mom na si Carmina Villaroel matapos supresahin ng kanyang mahal na asawang si Zoren at dalawang anak na sina Cassy at Mavy sa pagdiriwang ng kanyang ika-45th Birthday.

Naghanda nga ng isang supresa ang pamilya ni Carmina upang maging makulay ang selebrasyon ng kanyang kaarawan kahit nasa gitna ng quarantine na dulot ng pandemya.




Makikita na punong-puno ng dekorasyong lobo ang tahanan nina Carmina, ito nga ay ginawa ng kanyang mag-aama. May kulay gintong lobo na bumuo ng palayaw ng aktres na “Mina”, at may inihanda ring gift box ang kanyang pamilya kung saan nakapaloob ang kulay asul na lobo na may nakasulat na “Happy Birthday Mommy” at isang sulat na naglalaman ng nakakaantig na mensahe. May natanggap ring isang bouquet ng bulaklak si Mina na bigay naman ng kanyang anak na si Mavy na tinatawag ng aktres bilang “Pooh Bear”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

Samantala, ang simple ngunit masayang selebrasyon sa kaarawan ni Mina ay dinaluhan ng apat nilang mahal sa buhay. Makikita nga na talagang napasaya si Mina ng kanyang pamilya sa espesyal na araw ng kanyang kapanganakan.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ng aktres ang kaganapan sa kanyang espesyal na araw. Nagpasalamat rin siya sa kanyang pamilya sa effort ng mga ito upang maisakatuparan ang kanyang kaarawan kahit nasa gitna ng pandemya.

“Thank you so much for all those who took the time to greet me on my birthday. I feel so loved! Despite the quarantine, I had the best bday celebration ever. I love you my family!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

Ang asawa naman niyang si Zoren ay nagpaabot rin ng nakakaantig na mensahe sa Instagram.

“Saeng-il chugha (Happy birthday) @mina_villarroel. In the midst of this pandemic, we all deserve to smile, especially you on your birthday. HAPPY BIRTHDAY. WE LOVE YOU.”




Ang anak namang si Cassy ay nagbigay rin ng isang sweet message sa kanyang ina.

“The way to mama’s heart is simple: cake, good food, ice cream, balloons and family. I hope you enjoyed all our surprises today, I’m sorry for keeping you locked in your room till lunch time. We had to make it the perfect surprise quarantine party! We all love you so much! God truly blessed me with the perfect mother. Happy birthday, Ate Mommy.”

Samantala, marami rin sa mga kaibigan ng aktres sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa kanyang kaarawan. Kabilang na nga rito ang malalapit niyang kaibigan na sina Judy Ann Santos, Sylvia Sanchez, at Pops Fernandez.

Happy Birthday Carmina!


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments