Isa nga sa pinakamabigat at pinakamahirap na responsibilidad na nakaatang sa balikat ng mga magulang ay ang pagpapalaki ng mga anak. Hindi naman talaga madali ang magpalaki ng mga anak dahil kinakailangan natin silang disiplinahin upang lumaking mabuting tao. At bilang isang magulang, ang isa sa ipagmamalaki natin na nagawa natin sa kanila ay ang mapalaki silang mabuting tao.
Lumaki ngang mabuting tao ang anak ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao.
Nang bumisita si Jimuel sa programang “Tonight With Boy Abunda”, masayang ibinahagi ni Jimuel kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang. Marahil, marami rin ang nagtatanong sa binata kung ano ang pakiramdam ng maging anak ni Manny Pacquiao na isang Boxing Legend. At ayon nga kay Jimuel, ay isang biyayang maituturing ang maging bahagi ng Pamilya Pacquiao at maging anak ng isang Manny Pacquiao.
Para kay Jimuel, ‘he’s the best dad’, na nanaisin rin ng ibang anak na maging ama dahil sa sobrang buti nitong tatay sa kanilang magkakapatid. Bukod sa pagiging isang marangyang pamilya ay pinalaki rin silang mabubuting tao ng kanilang mga magulang.
Napakaswerte naman talaga ni Jimuel sa ama niyang si Manny, dahil noong kaarawan ng binata ay niregaluhan siya nito ng mamahaling sports car. Bagay na nagbigay ng labis na kaligayahan kay Jimuel. Ngunit, sa kabila ng tinatamasang marangyang buhay na bunga ng pagsisikap ng kanyang ama, nananatiling mapagkumbaba, disiplinado at mabuting tao si Jimuel pati na rin ang kanyang mga kapatid.
At tulad nga ng ibang bata, ay dumaan rin sa pagdidisiplina si Jimuel kung saan ay napalo rin umano siya sa puwit ng kanyang mga magulang. At ang higit daw na dumisiplina sa kanila ay ang kanilang ina na si Jinkee, ngunit sa kabila ng pagiging istrikto at pagdidisiplina ni Jinkee sa kanila, ay sobrang mapagmahal raw nito sa kanyang mga anak.
Samantala, bata pa lang ay nakitaan na ng hilig si Jimuel sa boxing na gaya ng kanyang ama. At sa tatlong lalaki nga na anak ni Manny, si Jimuel ang sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang isang mahusay na boksingero. Sa katunayan nga nito, minsan ng ipinamalas ni Jimuel ang kanyang husay nang magkamit siya ng panalo sa laban. At ito nga ay bunga ng kasipagan at matinding training niya bago sumabak sa laban.
Ngunit, hindi naging madali kay Jimuel na makuha ang pagsang-ayun ng kanyang mga magulang sa larangang nais niya, lalo na ang kanyang inang si Jinkee. Hanggang sa ipinagpatuloy niya ang pag-iensayo at ipinakita na talagang may kakayahan siya at nais niyang maging tulad sa kanyang ama. At sa huli nga, ay nakuha rin niya ang permiso ng mga magulang na pasokin ang larangan ng boxing.
Samantala, pagdating naman sa love life, minsan nang nabigo at nasaktan si Jimuel nang maghiwalay sila ng dating nobya na si Heaven Peralejo. Kaya naman, nagbigay rin siya ng payo sa mga pusong nasaktan tulad niya kung paano maka-move on. Ayon nga kay Jimuel, ay tanggapin ang sakit na dulot ng kabiguan at tiyaking ang paligid ay napapalibutan ng mga taong handang umalalay at sumuporta sa iyo sa oras ng kalungkutan.
Source: Ptama
0 Comments