Neri Naig, Proud na Ibinahagi ang Pagiging Official Student ng Harvard University

Marami nga sa atin ang naghahangad na makapasok sa isang kilalang unibersidad kagaya ng Harvard University. Ngunit, hindi madali ang makapasok sa naturang unibersidad, kaya naman mapalad ka kung isa ka sa mga nabigyan ng pagkakataong makapasok rito.




Tunay nga na walang makakahadlang na kahit anumang bagay kapag may nais marating sa buhay. Ito nga ang pinatunayan ng aktres at negosyanteng si Neri Naig. Maliban nga sa pagiging isang madiskarte at wais na Misis sa asawang si Chito Miranda, hindi rin pinalampas ni Neri ang pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral sa nais niyang kurso.

Kamakailan nga ay proud na ibinahagi ng aktres ang kanyang bagong achievement sa buhay matapos niyang makapasa at mapabilang sa mga official student ng Harvard University. Hindi nga halos makapaniwala ang aktres na nagawa niyang makapasa at makapasok sa unibersidad.

Kaya naman, nang ibahagi niya sa kanyang Facebook account ang magandang balita ay mababakas ang pagiging proud at excitement ng aktres. Makikita sa post ni Neri ang logo ng Harvard University kasama ang kanyang pangalan at kursong nais niyang kunin.




“Ayuuuuuun! Nakatanggap din ng email from Harvard! Welcome to Entrepreneurship Essentials! We are thrilled to have you join our community of learners.” Wow! Thrilled daw sila! Haha! Bolero! Joke laaaang! Baka bawiin! Hihi!”

Dahil nga isang matagumpay na negosyante si Neri, mas nais pa niyang palawigin ang kanyang kaalaman sa pagnenegosyo. Kaya naman, nagpasya ang aktres na kumuha ng kursong Entrepreneur Essentials sa Harvard University.

Dahil nga talagang gusto niyang makapasok sa Harvard ay nagsumikap siya at ginawa ang lahat, kaya naman ngayong nakapasa siya ay labis ang kanyang kaligayahan.

Ayon nga kay Neri, kapag may nais siya ay talagang gumagawa siya ng paraan upang makamit ito. At walang anumang dahilan ang maaaring makahadlang pa dahil mahalagang subukan ang isang bagay upang malaman ang kalalabasang resulta. At hindi nga nabigo si Neri dahil kanyang pinatunayan na kapag nais niya ay makakamit niya.

Isang ngang inspirasyon ang hatid ni Neri sa mga netizens na huwag sumuko kapag may nais makamit sa buhay. Kahit pa may edad na ay hindi ito hadlang upang tuparin ang mga pangarap sa buhay.




“Everyday dapat naghahanap tayo ng mga paraan para mas matuto pa. Mag invest ka sa sarili mo. Tandaan, hindi pa huli ang lahat. Kahit anong edad mo pa. 

Talaga namang kahanga-hanga ang isang tulad ni Neri na maraming pangarap sa buhay sa ipinapakita niyang pagpupursige at determinasyon sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments