Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang magkaroon ng sariling bahay lalo na kung ikaw mismo ang nakaisip ng konsepto at disenyo nito. Ang aktres nga na si Rica Peralejo ay ipinagmamalaki ang kanyang napakagandang bahay na may limang palapag na kung saan ay siya mismo ang nagdisenyo at nag-ayos na batay sa kanyang house principles.
Sa kanyang latest vlog nga, ay tampok ang house tour sa kanyang bahay na talaga namang makikita ang kagandahan mula sa disenyo, kagamitan at kulay na akma sa nais niyang disenyo.
Ayo naman kay Rica, bago niya makamit ang nais niyang disenyo at istilo ng nais niyang bahay, ay may sinusunod siyang principles upang maging maganda ang kanyang bahay. Ito nga ang tips at sikretong ibinunyag ng aktres sa kanyang vlog upang magkaroon ng magandang bahay.
Principle 1: Begin with a good base.
Ayon sa aktres, kung mag-aayos ng isang bahay dapat ay alam mo kung saang bahagi ka dapat mag-uumpisa. Ika nga ng aktres, ay tingnan muna kung anong parte sa bahay ang nais ayosin. Mahalaga rin na ang mapipiling istilo at disenyo ng bahay ay naaayon sa personality at mga nais gamiting palamuti. Saad nga ng aktres, “Don’t be afraid to change it if it doesn’t really make you happy. Make sure you have a base that you are happy with and can work around with…”
Dahil mahalaga na ang gagawin mo sa pagbabago ng bahay, ay maghahatid rin ng kaligayahan sayo.
Principle 2: cast some character.
Isa rin sa isinaalang-alang ni Rica ay ang karakter o personalidad ng may-ari ng bahay. Dahil nga, ang bahay ay sumisimbolo rin kung ano ang ating personality, mahalaga rin na magkaroon ng kakaibang personalidad ang ating tahanan. Ito nga ay maaaring isakatuparan sa pag-aayos ng bahay kung saan makikita ang mga kagamitan, kulay at disenyo na naaayon sa ating personalidad. Dito nga makikita, kung ano ang mga bagay na kinahihiligan natin at mga bagay na nagpapasaya sa atin.
Principle 3: Play around your chosen palete.
Dito naman, tinalakay ng aktres ang tungkol sa relasyon ng mga kulay sa bawat isa. Maganda naman talagang magkaroon ng ideya sa pagpili ng magiging kombinasyon ng kulay na gagamitin bilang disenyo ng bahay. Nagbahagi rin si Rica ng ilang app na makakatulong upang magkaroon ng ideya kung anong kulay ang magandang kombinasyon sa pamimili ng mga kagamitan at palamuti sa bahay.
Principle 4: live in life, laughter and love
Mahalaga rin na ang isang bahay ay may nasasagap na liwanag sa labas. Ang tahanan nga ni Rica, ay halos puro salaming bintana kung saan malayang nakakapasok ang liwanag na nagmumula sa labas. Ayon kay Rica, ay nakakadagdag ito ng enerhiya sa katawan ng tao, at higit sa lahat at nakakatipid rin sa kuryente. Importante rin na ang bahay ay nagbibigay saya sa pamilya. Ika nga ng aktres, dapat ang tao sa loob ng tahanan ay komportable sa kanilang tirahan dahil ang bahay ay para sa taong nakatira rito.
Principle 5: Start small.
Ayon sa aktres, ay hindi naman kinakailangang magsimula sa malawakang pag-aayos ang isang bahay. Dahil nga, may mga suliranin ring dapat isaalang-alang katulad ng budget. Kung kaya’t, mahalaga na magpokus lamang sa isang area na kayang ayusin at abot ng budget. Dahil ang mahalaga ay may masimulan sa pagsasaayos ng bahay at hindi kinakailangang magmadali sapagkat darating rin ang panahon na matatapos rin ang mga dapat ayusin sa loob ng bahay.
Talaga namang makikita ang magandang resulta sa bahay ni Rica dahil sa kanyang sinunod na house principles. Bagama’t, ayon sa aktres, ay hindi pa niya tapos ayusin ang ilan sa bahagi ng kanilang bahay, makikita naman na talagang napakaganda ng pagkakaayos at disenyo nito.
Source: Ptama
0 Comments