Dating PBB Housemate na sina Joj at Jai Agpangan, Sinurpresa ng kanilang Pamilya sa Pagdiriwang ng kanilang 25th Birthday

Tiyak na marami ang napangiti ng masayahing twin housemates na sina Joj at Jai Agpangan sa Bahay ni Kuya sa PBB Teen Edition 4. Talagang nakita ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa sa Bahay ni Kuya, na walang duda nga na magkambal sila dahil palaging kaagapay ang isa’t isa. Dahil nga, sa talento at ipinamalas na kakayahan ay matagumpay nilang nasungkit ang pang-apat na pwesto sa naturang kompetisyon.




Dahil nga, kambal ay palagi silang magkasama at magkadikit. Kaya naman, sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan ay sabay rin nilang ipinagdiriwang ang espesyal na araw na ito. Na kung saan ay doble rin ang nadaramang kaligayahan sa tuwing ipagdiriwang nila ang kanilang kaarawan ng magkasama.

Photo credits: jojagpangan | Instagram

Kamakailan nga, araw ng Hwebes, ika-3 ng Setyembre, ay labis ang kaligayahan ng kambal na sina Joj at Jai, matapos silang surpresahin ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan sa kanilang 25th Birthday.

Photo credits: jojagpangan | Instagram

Labis nga ang pasasalamat ni Joj, na idinaan sa isang post sa Instagram, sa mga taong nag-effort upang maglaan ng oras para sa surprise birthday nilang magkambal.
Samantala, makikita naman sa kanilang mga Instagram, ang sweet na palitan nila ng mensahe bilang pagbati sa kaarawan ng isa’t isa. Makikita nga na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa bilang magkapatid na kung saan ay hindi nga mapaghihiwalay.




Sa post nga ni Joj sa kanyang Instagram, ay pinasalamatan nito ang kambal na si Jai dahil lagi itong nasa tabi niya. Ayon pa kay Joj kahit hindi siya vocal sa pagiging sweet sa kambal, ay mahal na mahal niya ito.

“Fact: you need a JAI in your life,” bungad sa post ni Joj.

“Because having a twin is a blessing, I thank the Lord God everyday that you are with me, beside me, ready to take on what lies ahead without fear of taking risks or leaping into the unknown, and trusting that there is JAI who will never give up on me.”

“I may not be very vocal to you twinny ‘coz to be honest guys we never say I love you to each other and we never kiss each other. (Awkward kasi parang mirror! Haha!) But with Jai, I can always be the best version of myself. Jai helps me balance things. ‘Coz she’s a ball of sunshine and my real time clown! No dull moments with her! Can’t imagine my 25 years of existence without her. I just wanna say that I’m always proud of you twinny! You’re a tough girl and a warrior. Keep shining! I love you kapid. You’re always worth it, remember that! Happy birthday to us! Cheers to adulting!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joj Martin Agpangan (@jojagpangan) on

Samantala, sa post naman ni Jai sa Instagram bilang pagbati sa kambal na si Joj, ay nagbahagi naman ito ng mga larawan nilang magkasama na kuha sa kanilang birthday photoshoot. At nilakipan ang post ng caption na:

“25 years of being together. We’re addicted and just can’t get enough. Just can’t get enough. Cheers to forever and always.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jyra May Agpangan (@jaiagpangan) on

Tunay nga na napakasarap magkaroon ng taong masasandalan at makakasama sa bawat yugto ng buhay, sa saya man o kalungkutan. Kaya naman, napakapalad ng kambal na sina Joj at Jai dahil kahit anumang oras ay handa nilang damayan ang isa’t isa. Hindi lang bilang magkapatid, kundi bilang kambal na nasa sinapupunan pa lang ay magkasama at magkadikit na.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments