Mommy Dionisia, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Tahanan sa Gensan na Tinawag niyang “Forever House”

Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay kilala ng buong mundo sa kanyang husay pagdating sa larangan ng boxing. Ang kahanga-hangang talento nga ni Manny sa boxing ang nagdala sa kanya sa tagumpay. At sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay ay may isang mapagmahal na inang palaging nakaagapay at nakasuporta sa bawat laban niya. Ito nga ang ina niyang si Mommy Dionisia na hindi nagsasawang iparamdam sa kanyang anak na si Manny ang pagmamahal ng isang ina.




Bagama’t, may asawa na si Manny ay makikita parin ang walang sawang pagsuporta ni Mommy D sa kanyang anak. Makikita naman na naging malapit na rin si Mommy D sa maybahay ni Manny na si Jinkee Pacquiao. At anim na buwan na nga ang nakakalipas ng dumalaw si Jinkee sa tahanan ni Mommy D sa Gensan.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Dahil nga, isa na ring vlogger si Jinkee, ay naitampok sa kanyang vlog ang napakagandang bahay ni Mommy D sa Gensan kung saan ay mismong si Mommy D ang nagpasyal sa mga viewers sa loob ng kanyang tahanan.

 

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel 

Sa video nga, unang masisilayan pagpasok sa loob ng tahanan ni Mommy D ang ibat ibang klase ng kanyang koleksyon. Tulad na lamang ng mga travel souvenirs mula sa mga napuntahan niyang mga lugar. Kapansin-pansin rin ang mga nakadisplay na toy cars at ilang memorabilias. Ipinakita rin ni Mommy D ang kanyang koleksyon ng mga sapatos, at ang isa nga rito ay bigay ni Jinkee sa kanya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Hindi maikakaila na talagang todo suporta si Mommy D sa bawat laban ng kanyang anak sa loob ng ring. At ang isa nga sa pinakaiingatan ni Mommy D ay ang mga tickets mula sa mga laban ni Manny.




Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Samantala, mapapansin naman na mahilig ring magdisplay ng mga larawan si Mommy D. Masisilayan nga sa munting living room ang mga photo frame ng kanyang mga anak, mga apo at siyempre, ipinagmamalaki rin niya ang kanyang mga larawan.

Pagsapit naman sa bedroom, ay makikita ang kulambo ni Mommy D na nagsisilbing proteksyon niya sa lamok at anumang insekto. Mahilig ring mangolekta ng tablewares si Mommy D, at ang ilan nga sa mga ito ay hawak na niya kahit noong naghihirap pa sila. Kaya naman hindi niya ito pinapakawalan dahil ito ang nagsisilbing alaala ng hirap na naranasan ng kanyang pamilya.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube Channel

Pagbabahagi naman ni Mommy D, ang munting tahanan niyang ito sa Gensan ay pangatlong bahay na niya. Kaya naman, itinuturing niya itong “Forever House.”

Kilala naman si Mommy D bilang isang solidong Katoliko na kung saan ay may malakas na pananampalataya. Kaya naman, nagpatayo rin siya ng isang chapel sa loob ng kinatatayuan ng kanyang tahanan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments