Seksi-actress at Vlogger na si Ivana Alawi, Tinupad ang Hamon ng Namayapang Vlogger na si Lloyd Cadena Para Makatulong din sa Naiwan nitong Pamilya

Isa nga sa pinakasikat na vlogger sa ating bansa si Lloyd Cadena na kilala rin sa bansag na “Kween LC” na talaga namang naghatid sa atin ng kasiyahan sa kanyang mga nakakaaliw na videos. Maliban naman sa kanyang pagbibigay saya sa kanyang mga tagahanga, isa rin sa kahanga-hangang katangian ni Lloyd ay ang pagkakaroon niya ng napakabuting kalooban kung saan ay hindi siya nag-aatubiling tumulong sa mga nangangailangan.

Talaga namang napakapalad ng mga taong natulungan ni Lloyd, na walang hinihinging kapalit kundi ang mapasaya lamang niya ang mga ito.




Kaya naman, sa biglaang pagpanaw ni Lloyd noong Setyembre 4, ay marami ang nalungkot at halos hindi makapaniwala sa nangyari. Nagdalamhati at nagluksa nga ang Pinoy Vlogging community sa pagkawala ng isang mahusay at napakabuting vlogger na tulad ni Lloyd. Marami nga sa mga kaibigan at kapwa vlogger ni Lloyd ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay at ipinakita ang kanilang pagmamahal sa namayapang vlogger.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel      

Ngunit, sa kabila ng pagluluksa ng karamihan, ay lakas-loob ang sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi na tuparin ang huling hamon ni Lloyd sa kanya at collaboration sana nilang dalawa bago pa ito pumanaw. At bilang pagpupugay sa yumaong kaibigang vlogger, ay tinupad nga ni Ivana ang hamon na maglinis ng isang bus.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Masayang ngang ibinahagi ni Ivana sa isang Facebook post ang pagtanggap niya sa hamon ni Lloyd na hindi niya nagawa noong nabubuhay pa ito.

“Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request niya, magcarwash kami ng bus together.”

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Bagama’t nakakaramdam siya ng kalungkutan, dahil ang collaboration sana nilang dalawa ay gagawin niyang mag-isa ng wala si Lloyd sa tabi niya. Itinuloy nga ni Ivana ang pagtupad sa hamon dahil naniniwala siya na nanonood ito sa mula langit.




“Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito.”

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Kasabay naman ng pagtupad ng hamon, ay inialay ni Ivana sa namayapang kaibigan ang kanyang ginawang video. At tulad nga ng palaging ginagawang pagtulong ni Lloyd sa mga nangangailangan, nangako si Ivana na ang perang kikitain niya sa vlog na ito ay kanyang ibibigay sa naiwang pamilya ni Lloyd upang makatulong kahit sa simpleng paraan.

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.”

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Samantala, bagama’t nanghihinayang si Ivana sa hindi nila pagkikita ng personal ni Lloyd, ay malaki ang paghanga ng aktres sa kaibigan dahil sa kabutihang loob nito, na tanging pagtulong sa kapwa ang hilig gawin noong nabubuhay pa.




“Hindi pa kita namemeet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire. Kween LC isa ka sa pinaka original na YouTuber na mahal namin and you will never be forgotten.”

“REST IN PARADISE”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments