Marami nga sa atin ang humahanga sa mga sikat na artista dahil sa kanilang angking magandang katangian at hanga-hangang talento. Ngunit, lingid sa ating kaalaman, hindi lamang talento sa pag-arte ang kanilang pinaglalaanan ng oras kundi pati na rin ang pag-aaral.
At sa kabila nga ng tinatamasang tagumpay ng kanilang karera sa industriya ng showbiz ay nagawa pa rin nilang tuparin ang isa pa nilang pangarap sa buhay, ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Bagama’t, maraming pagsubok ang pagdadaanan sa pag-aaral, hindi sila sumuko sa pag-abot ng kanilang pangarap bagkus ay nagsumikap sila at pinaghusayan ang pag-aaral upang makamit ang kanilang hinahangad na makapagtapos.
Kilalanin ang mga Kapamilya stars na nagsumikap sa pag-aaral upang makapagtapos ng kolehiyo.
Liza Soberano
Sino nga ba ang hindi hahanga sa angking kagandahan ng aktres na si Liza Soberano, samahan pa ito ng kanyang taglay na talento sa pag-arte na kahanga-hanga namang talaga. Ngunit, mas pinahanga naman ni Liza ang kanyang mga tagahanga nang magdesisyon ang aktres na ituloy ang kanyang pag-aaral noong 2018 sa Southville International School and College kung saan ay kumuha siya ng kursong Psychology.
Jodi Sta. Maria
Kahanga-hanga naman ang aktres na si Jodi Sta. Maria dahil sa kabila ng pagiging abala sa trabaho bilang artista ay nagawa niya paring makapagtapos ng pag-aaral. Ipinagpatuloy nga ni Jodi ang pag-aaral noong 2017 sa Southville International School and Colleges. Ngunit, ang higit na mas kahanga-hanga naman sa aktres ay nakapagtapos siya bilang Dean’s lister.
Miles Ocampo
Hindi naman pinalampas ng Goin Bulilit alumna na si Miles Ocampo na ipagpatuloy ang pag-aaral upang matupad ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Pinili nga ni Miles mag-aral sa University of the Philippines Diliman kung saan ay una siyang kumuha ng kursong Theater Arts at kalaunan ay lumipat ng kursong Creative Writing.
Sharlene San Pedro
Isa ring produkto ng Goin Bulilit ang aktres na si Sharlene San Pedro. Bagama’t, lumaki sa mundo ng showbiz at matagumpay ang karera, hindi naman nakontento ang aktres na hindi siya makapagtapos ng kolehiyo. At kumuha nga siya ng kursong Psychology via AMA Online Education.
Alexa Ilacad
Ayon naman sa aktres na si Alexa Ilacad, isa siyang estudyante sa umaga, ngunit pag may taping ay umaabsent siya. Sa kabila naman ng pagliban ng aktres sa klase, kahanga-hanga ang ipinamalas niyang katalinuhan dahil nang matapos ang semester ay itinanghal siya bilang isa sa mga Dean’s lister na may gradong 1.47 ng paaralang Treston International College kung saan ay nakapagtapos siya sa kursong Business Administration.
Maris Racal
Ang aktres namang si Maris Racal na isang singer-song writer at produkto ng Bahay ni Kuya ay hindi naman sumuko sa pag-abot niya sa kanyang pangarap bilang isang mahusay na MedTech. Kumuha nga ng aktres ng kursong Bachelor of Science in Medical Technology sa Trinity University of Asia.
Maxene Magalona
Noong 2010 naman naisakatuparan ni Maxene Magalona ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral sa Ateneo de Manila University kung saan kumuha siya kursong AB Social Sciences.
Enchong Dee
Sa De La Salle University naman nakapagtapos ang aktor na si Enchong Dee kung saan ay kumuha siya ng kursong Developmental Studies. Ngunit, hindi lamang pag-aaral ang pinagtuunan ng aktor kundi ipinamalas rin niya ang kanyang husay bilang isang varsity swimmer at national athlete.
Erik Santos
Ang mahusay na mang-aawit at tinaguriang “King of Teleserye Theme Songs” na si Erik Santos ay nakuha naman ang kanyang diploma sa degree na Dentistry sa paaralang Centro Escolar University. Ngunit, sa kabila nito ay mas pinili paring ipagpatuloy ang nakahiligan niyang larangan, ang pag-awit.
Robi Domingo
Ang mahusay na host namang si Robi Domingo ay nakapagtapos at nakakuha ng degree sa kursong Health Sciences sa Ateneo De Manila University noong March 23, 2012. Ang kanyang pag-aaral nga ay kanyang ipinagpatuloy matapos makalabas sa Bahay ni Kuya. Ngunit, ang planong agad magtungo sa medical school ay naantala dahil ngayon nga ay nakatuon ang atensyon ni Robi sa hosting.
Kristel Fulgar
Sa kabila naman ng busy schedule ng aktres na si Kristel Fulgar sa showbiz ay nagawa niya paring makapagtapos ng pag-aaral. Ang aktres nga ay nagtapos noong 2015 sa University of Sto. Tomas sa kursong Mass Communication.
Tippy Dos Santos
Labis naman ang kaligayahang nadarama ng singer-actress na si Tippy Dos Santos matapos niyang maisakatuparan ang pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo. At sa kabila nga ng pagiging busy sa showbiz, nakapagtapos siya noong 2016 sa kursong Family Life and Child Development sa University of the Philippines Diliman. Ngunit, hindi pa nakontento si Tippy sa kanyang narating dahil noong 2018 ay nag-aral ulit siya ng Law sa kaparehong Unibersidad.
Joj at Jai Agpangan
Ang kambal naman na nagbigay kulay at saya sa PBB Teen Edition 4 na sina Joj at Jai Agpangan ay masayang-masaya sa tagumpay na kanilang narating. At noong 2018 nga, nakapagtapos ang kambal sa kursong Education sa UP-Open University.
Gretchen Ho
Bago pa man pasukin ni Gretchen Ho ang mundo ng showbiz ay nauna na niyang natupad ang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo. Kahanga-hanga naman ang Umagang Kayganda host dahil dalawang kurso ang kanyang natapos. Una nga ang Management Engineering at ang sumunod ay Communication degree sa Ateneo De Manila University. Hindi naman naging madali ang kanyang mga pinagdaanan dahil kasabay nito ang paglalaro niya sa UAAP bilang varsity player sa larong volleyball.
Maricar Reyes Poon
Hindi naman maikakaila ang kasikatan ng aktres na si Maricar Reyes sa showbiz, ngunit bago pa man niya maranasan ang katanyagan ay nagawa na niyang taposin ang kanyang pag-aaral. At ngayon nga ay ganap nang doctor si Maricar. Sa Ateneo De Manila University nag-aral ang aktres ng Bachelor of Science in Biology. Ipinagpatuloy naman niya ang pangarap na maging doctor sa University of Sto. Tomas sa kursong Doctor of Medicine.
Source: Ptama
0 Comments