Komedyanteng si Ate Gay, Dumiskarte Ngayong Krisis sa Pamamagitan ng Pagtitinda ng Siomai Matapos Magsara ang Pinapasukang Comedy Bar

Marami nga ang apektado ng pandemyang nararanasan sa bansa dahil sa pagsasara ng mga negosyo kung kaya’t nawalan ng hanapbuhay ang karamihan sa atin. Ngunit, sa ganitong panahon ng krisis ay palaban ang mga Pinoy, kung saan ay gumagawa ng paraan upang malabanan ang kinakaharap na pagsubok. Sa panahon nga ng krisis masusubok ang ating katatagan ng loob at diskarte sa buhay upang kumita ng pera.




Ang komedyante ngang si Ate Gay na kilala sa kanyang nakakaaliw na pagpapatawa sa mga comedy bar at ilang programa sa telebisyon ay naging madiskarte sa buhay matapos magsara ang pinapasukang comedy bar. At ngayon nga, ay may bagong entablado at bagong audience na si Ate Gay dahil ngayon ay pinasok na rin niya ang pagnenegosyo upang may mapagkakitaan.

Isang food stall ang napiling pagkakitaan ni Ate Gay kung saan nagbebenta siya ng siomai, fried rice, pancit, at noodle soup na siya mismo ang nagluluto. Maliban kasi sa angking talento ni Ate Gay sa pagbibigay saya sa mga manonood, ay may natatago rin siyang talento sa pagluluto.

Ang kanya ngang food stall ay pinangalanan niyang “Ate Gay’s Siomai Himala”, dahil malaki ang pagmamahal niya kay Nora Aunor na kilala sa kanyang kahanga-hangang husay sa pag-arte. At ang katauhan ni Ate Guy ang nagpakilala kay Ate Gay sa publiko bilang impersonator nito at sa matalinhagang linya na “Walang Himala” sa pelikulang “Himala”.




Photo credits: ategay08 | Instagram

Sa kabila naman ng hirap na nararanasan ni Ate Gay sa pagbebenta ay malaki ang pasasalamat niya dahil ang kanyang mga paninda ay palaging sold out. Ito nga ay dahil na rin sa talento ni Ate Gay sa pagpapatawa kaya naman marami ang naaaliw at bumibili sa kanya. Talaga nga namang mabenta hindi lamang ang jokes niya kundi pati na rin ang masasarap niyang lutong pagkain.

Photo credits: ategay08 | Instagram

Dating nagtatanghal si Ate Gay sa Zirkoh at Klownz na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Allan K, ngunit dahil nga sa nararanasang pandemya ay nagpasya si Allan K na isara muna ito. At ngayon nga, nahanap ni Ate Gay ang panibagong mundo sa pagtitinda ng siomai kung saan nagagamit niyang pareho ang talento sa pagpapatawa at pagluluto.




Photo credits: ategay08 | Instagram

Kahanga-hanga namang talaga si Ate Gay sa pagiging madiskarte sa gitna ng nararanasang krisis. At kanya ngang nagagamit ang talentong ipinagkaloob sa kanya habang abala naman sa paghahanapbuhay upang kumita ng pera sa pagtitinda ng siomai. Good job Ate Gay!


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments