“A decade with you” Marille Padilla Ibinahagi sa kanyang Vlog ang Sampung Taong Pagsasama nila ni Robin Bilang Pagdiriwang ng Kanilang 10th Wedding Anniversary

Isa nga sa maituturing na kayamanan sa pagsasama ng mag-asawa ay ang mapanatili ang alab ng pagmamahal sa isa’t isa na kung saan ay magtatagal ng mahabang panahon. Ang pagkakaroon nga ng isang matatag at masayang pagsasama ng mag-asawa ay maituturing na biyaya dahil nalampasan nila ang mga pagsubok na kaakibat ng buhay may asawa.

Photo credtis: Marielle Padilla | Youtube Channel

Napakapalad nga ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez Padilla dahil nagawa nilang malampasan ang mga pagsubok na dumating sa buhay nila bilang mag-asawa.
Matapos nga magkakilala sa programa ng ABS-CBN na Wowowee, nang mag-guest ang aktor na si Robin Padilla at nabighani sa kagandahan ni Mariel na dating co-host ng programa, ay wala ng nakapigil pa sa pagtibok ng kanilang mga puso para sa isa’t isa.



Photo credtis: Marielle Padilla | Youtube Channel

At noong August 19, 2010, ay pinatunayan nga nila ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa matapos magpakasal sa Taj Mahal sa Agra, India. At ngayon nga, ay isang dekada ng masayang nagsasama ang mag-asawa.
Sa pagdiriwang nga ng kanilang 10th wedding anniversary, ay labis ang naramdamang kaligayahan ni Mariel dahil sa surpresang handog ng kanyang asawang si Robin. Ibinahagi nga ni Mariel ang masayang tagpo sa pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary at naudlot niyang plano para sa renewal of vows nilang mag-asawa.

Photo credtis: Marielle Padilla | Youtube Channel

Ayon nga kay Mariel, ay matagal na niyang planong magkaroon silang mag-asawa ng renewal of vows ngunit dahil sa hindi inaasahang pagdating ng kanilang bunsong anak na si Gabriela ay hindi na ito natuloy. Nais namang maranasan ni Mariel ang makapagsuot ng bridal gown at masaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang pag-iisang dibdib , kung kaya’t renewal of vows sana ang kanyang naisip gawin para sa kanilang anibersaryo.

Photo credtis: Marielle Padilla | Youtube Channel

“Like I mentioned before, Gabriela is really a surprise. I had no idea that she was coming. In my head we were gonna have this grand, parang wedding because I didn’t get to experience that. I didn’t get to wear a white gown, walk down the aisle and have my family there with me and his family there with him.”

Photo credtis: Marielle Padilla | Youtube Channel

Ngunit, lingid sa kaalaman ni Mariel, ay ito rin pala ang plano ng kanyang asawang si Robin. Labis nga ang kaligayahan ni Mariel, dahil ang inaasahang bouquet of flowers, ay sandamakmak na bulaklak pala ang naghihintay sa kanya. Maliban rito, ay may pa-Zoom pa ang kanyang asawang si Robin kung saan inimbitahan ng aktor ang kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya. Ngunit, ang higit na nagpakilig kay Mariel, ay ang pag-imbita ni Robin ng pari, ito na nga ang kanilang magiging virtual renewal of vows.



Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng technical error at biglang nawala online ang pari. Hindi naman ito naging hadlang upang masira ang moment ng mag-asawa. Dahil nga, may nakahanda ng singsing si Robin, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang magpalitan sila ng “I Do”.

Photo credtis: Marielle Padilla | Youtube Channel

Samantala, nagpaabot rin ng sweet na mensahe si Robin para sa kanyang mahal na asawang si Mariel.

”Thank you my babe sa 10 taon na pagiging kapitan ng aking barko without your sailing patience matagal na akong na abandoned ship. Maraming maraming salamat @marieltpadilla.”

“Ipagpatawad mo minahal kita agad. Ipagpatawad mo Magmula noon hanggang ngayon na 10 taon na tayo ay patuloy pa rin kitang iniibig. Ipagpatawad mo kung hihingin ko sa Nagiisang Panginoong maylikha ang marami pang taon sa piling mo para kitay mahalin at ibigin pa.”

Mapapanood ang buong kaganapan sa vlog ni Mariel na pinamagatang “A Decade with You” sa kanyang Youtube Channel.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments