Young Mom-actress Sofia Andres, Ibinahagi ang Masayang Karanasan Bilang Isang First Time Mom sa kanyang Anak na si Baby Zoe

Tunay nga na walang makakapantay na kaligayahan ang hatid ng pagiging isang ina. Napakasarap naman talaga sa pakiramdam para sa isang ina ang makapagluwal ng isang malusog na sanggol at ligtas matapos ang siyam na buwang pagbubuntis.




Isa ngang proud first time mom ang actress na si Sofia Andres na ngayon ay masayang-masaya bilang isang ina sa kanyang napakacute na anak na si Baby Zoe.
Sa programa ni DJ Jhai Ho sa episode na Hotspot noong Agosto 18, ay masayang ibinahagi ni Sofia ang kanyang buhay na punong-puno ng kaligayahan at saya bilang isang first time mom. Ayon nga kay Sofia, ay iba ang pakiramdam ng pagiging isang ina at masayang-masaya siya dahil naienjoy niya ito.

“I’m very, very happy. It’s a different feeling.”

Dagdag naman ni Sofia, maliban sa kaligayahang nararamdaman niya sa pagkakaroon ng isang napakacute na anak, ay masaya rin siya dahil ang kanyang pamilya ay palaging nakasuporta sa kanilang mag-ina. Samahan pa ng isang mapagmahal na boyfriend at napakahands on na ama sa kanilang anak na si Daniel Miranda. Isa na ngang kompleto at masayang pamilya ang mayroon sa buhay ni Sofia.

Isa naman sa ipinagpapasalamat ni Sofia ay ang naipanganak niya ng ligtas si Baby Zoe ng walang anumang komplikasyon. Samantala, ibinahagi rin ni Sofia na kapag naging isang ganap na ina na, ay tiyak na dito malalaman ang tunay na kahulugan ng isang tunay na pag-ibig.

Samantala, nagbalik-tanaw naman si Sofia kung paano niya nalamang siya’y nagdadalantao at malapit nang maging isang ina sa anak nila ni Daniel. Ayon sa aktres, ay kakaibang sakit ng ulo raw ang naramdaman niya habang nasa shooting ng isang commercial at ng mga oras na iyon ay alam na niya sa kanyang sarili na siya’y nagdadalantao. Bagama’t, may ideya na siya’y buntis, upang mas lalong makatiyak ay gumamit pa rin siya ng pregnancy test.




Nang makatiyak nga, ay halo-halong emosyon ang naramdaman ng aktres. Nakaramdam umano siya ng excitement at kaba bilang isang first time mom. Ngunit sa kabila nito, iniisip rin ng aktres ang magiging reaksyon ng kanyang mga magulang at kahihinatnan ng kanyang karera na kung saan ay nagdulot sa kanya ng matinding pag-aalala.

Labis naman ang pasasalamat ni Sofia sa kanyang boyfriend na si Daniel, dahil nang sabihin na niya rito na siya’y buntis, ay naging masaya raw ito at sinigurado na aakuin ang responsibilad at aalagaan silang mag-ina. Nakabawas nga sa kanyang nadaramang pag-alala ang naging reaksyon ng nobyo. Kaya naman, masayang ibinalita ng aktres sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang magandang balita.

Samantala, nang tanungin naman ni DJ Jhai Ho ang aktres, kung pano nito nahahandle ang sinasabi ng mga bashers, agarang sinagot naman ito ni Sofia na hindi na niya iniisip ang sasabihin pa ng mga ito dahil ayaw niyang ma-stress at baka makasama pa ito sa kanyang baby. Ngayon nga, makikita sa anak ni Sofia na si Baby Zoe na hindi man lang ito nastress habang ipinagbubuntis ng ina, dahil ang kacutan at magandang mukha nito ang nangingibabaw.

Napakaswerte rin ng aktres sa pagkakaroon ng mapagmahal na partner at hands on dad sa kanilang anak sa katauhan ni Daniel. Sa katunayan nga nito, ay alagang-alaga raw ni Daniel si Baby Zoe. Kadalasan pa nga raw nitong chinicheck ang temperature ng anak kung may sakit ba ito. Maging ang pagpapalit ng diaper at pagtitimpla ng gatas para sa kanilang anak ay ginagawa rin raw ni Daniel. Dahil dito, ay mas lalo pa raw niyang minahal ang nobyo ngayong lalong nag-matured matapos maging isang ama.

Nang madako naman ang tanong tungkol sa kasal, ayon naman kay Sofia, ay wala pa raw ito sa isip nila at hindi sila nagmamadali. Dahil nais muna nilang magkasintahan na makaipon at makapagpundar bago tuluyang lumagay sa tahimik.




Talaga nga namang malaki ang nabago sa buhay ni Sofia magmula ng isilang niya si Baby Zoe. At ang kanyang mahal na anak ang siyang bumuo at nagbigay kulay sa buhay niya na ngayon nga ay punong-puno ng kaligayahan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments