Aktres na si Alice Dixson Ipinasyal ang kanyang mga Followers sa Kanyang Napakagandang Bahay sa Boracay

Marami nga ang naghahangad na makatuntong at makapunta sa napakagandang isla ng Boracay dahil sa hatid nitong magandang tanawin. Napakasarap naman talagang manatili sa isla dahil bukod sa magandang tanawin ay makakapag-relax ka rin dito. Kaya naman, maswerte ka kung nakapagpundar ka ng bahay sa napakagandang isla ng Boracay kung saan ay napakasarap magbakasyon.




At isa nga ang aktres na si Alice Dixson sa mapalad na nakapagpatayo ng sariling bahay sa napakagandang isla ng Boracay. Ang napakagandang tahanan niya ngang ito ay ipinasilip niya sa kanyang mga tagahanga sa kanyang vlog kung saan ay mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Ayon kay Alice, ay nagdadalawang-isip siyang ipasilip sa kanyang mga tagahanga ang kanyang bahay sa Boracay, ngunit dahil matagal na itong hiling ng kanyang mga tagahanga, ito na nga ang tamang panahon upang masilayan ang kanyang napakagandang tahanan. Ito nga ang unang pagkakataong masisilayan ang kanyang bahay sa Boracay. Ngunit, hindi naman ito ang unang pagkakataon na ibahagi niya sa publiko ang ilan sa kanyang mga ari-arian.

Ipinakita nga ni Alice ang bawat sulok ng kanyang napakagandang tahanan. Una ngang ipinakita ng aktres ang bungad ng kanyang tahanan kung saan makikita ang garahe o ang kanilang recieving area. Dito nga nakaparada ang kanyang mga motorsiklo na kanyang ginagamit sa tuwing mamamasyal siya sa isla.




Ang naturang bahay ni Alice ay may pool area rin kung saan ay talagang mag-eenjoy ang sinumang maliligo dahil sa warm water na hatid nito. Sumunod namang ipinasilip ng aktres ang loob ng kanyang bahay na talagang inaabangan ng lahat.

Mula nga sa living area, bedrooms, kitchen at master’s bedroom ay ipinasilip ng aktres. Ang isa nga sa mga silid ang paboritong lugar ng aktres dahil sa tahimik at walang istorbo kapag nais niyang magpahinga.

Kahanga-hanga naman ang ganda ng tanawin na makikita sa Balcony ng tahanan kung saan masisilayan ang malaparaisong ganda ng Boracay. Bubungad nga agad ang malawak at magandang tanawin ng karagatan. Ipinaliwanag rin ni Alice ang ilang bahagi ng isla na matatanaw mula sa balcony, kagaya na lamang ng mga station na matatagpuan sa isla. Maging ang isla ng aklan kung saan makikita ang naglalakihang windmills ay ipinakita rin ng aktres.

Pagsapit naman ng gabi ay ipinasilip ni Alice ang hitsura ng loob ng kanyang napakagandang tahanan. Maging ang ganda ng tanawin pagsapit ng gabi sa balcony ay ipinakita ng aktres na talagang napakaganda at maririnig rin ang ingay na hatid ng alon ng dagat.




Ang huli namang ipinakita ng aktres ay ang master’s bedroom na kung saan ay islang-isla ang disenyo, ayon kay Alice.

Talaga namang kahanga-hanga ang napakagandang bahay ni Alice na may malaparaiso ring tanawin mapa-umaga man o gabi. Tiyak na nag-eenjoy at nagkakapag-relax si Alice sa kanyang bahay sa tuwing siya ay namamalagi sa napakagandang isla ng Boracay.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments