Alamin ang Kwento sa Likod ng Tagumpay at Kayamanan ni Megastar Sharon Cuneta

Kilala sa industriya ng showbiz si Sharon Gamboa Cuneta- Pangilinan bilang Sharon Cuneta na kung saan ay binansagan namang Megastar dahil sa kanyang husay at talento sa pag-arte at pag-awit na nagdala sa kanya sa kasikatan. At siya nga ang nag-iisang Megastar sa showbiz na talagang tinitingala at hinahangaan ng publiko. Malayo na nga ang narating na tagumpay ni Megastar sa showbiz na nagbigay sa kanya ng magandang buhay at karangyaan. Isa nga si Megastar Sharon sa itinuturing na pinakamayamang artista sa showbiz.

Ngunit, paano nga ba narating ni Megastar ang tagumpay at angking kayamanan sa buhay niya ngayon?




Ating alamin ang kwento sa likod ng tagumpay at kayamanan ni Megastar Sharon Cuneta.

Si Megastar Sharon Cuneta ay nagmula sa kilalang pamilya. Siya ay anak ng namayapang sina Pablo Cuneta at Elaine Gamboa-Cuneta. Ipinanganak naman ang Megastar noong January 6, 1966 sa Lady in Sta. Mesa, Manila.

Sa murang edad naman ay nakitaan na ng angking galing sa pag-awit si Sharon. At noong siya nga ay tumuntong sa edad na 12, at dumalo sa isang party ang kanyang pamilya ay nadiskubre ang natatago niyang talento sa pag-awit matapos niyang kantahin ang 1970’s hits na Bato sa Buhangin. Nataon naman naroon rin sa party ang kanyang tiyuhin na si Tito Sotto kung saan ay Vice President ng Vicor Music, kaya naman, matapos marinig ang napakaganda niyang tinig ay inalok siya nitong gumawa ng record sa ilalim ng kanyang label. Hindi naman, nag-atubili si Sharon at agad ngang tinanggap ang napakagandang oportunidad na ito. At ang kauna-unahan niyang single ay ang Tawag Ng Pag Ibig.

Dito na nga, nagsimulang magbukas ang pinto ng showbiz kay Sharon dahil maging ang larangan ng pag-arte ay pinasok rin nya. Nagsimula nga ang lahat noong 1985 kung saan ay bumida siya sa pelikulang Bituing Walang Ningning kung saan nakasama niya ang mga batikang artista na sina Christopher De Leon at Cherie Gil.

Dahil nga sa husay sa pag-arte, nagsunod-sunod na ang mga pelikulang kanyang ginampanan na talagang tumatak sa kanyang mga tagahanga. Hindi maikakaila na ang kanyang husay ang nagdala sa kanya sa tagumpay.

Samantala, katulad ng kanyang matagumpay na karera ay naging makulay rin ang kanyang buhay pag-ibig. At noong 1984 ay natagpuan niya nga ang tamis ng pag-ibig sa katauhan ng kanyang screen at real-life partner na Gabby Concepcion na nauwi sa pag-iisang dibdib sa nasabing taon. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan naman ng isang napakagandang anak, ito nga si KC Concepcion.




Ngunit, matapos ang tatlong taong pagsasama ay nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa sa kadahilanang kasal na pala si Gabby sa iba bago pa man sila ikasal.

Ngayon nga, ay may kanya-kanya na silang buhay at ang nag-iisa naman nilang anak na si KC ay isa na ring matagumpay na artista sa showbiz.

Samantala, dahil nga sa sipag at tiyaga ni Sharon sa kanyang trabaho at sa buhay ay hindi nakapagtataka na isa siya sa pinakamayamang artista sa showbiz.

“I owe so much money (on very good investments not stupid stuff) and I have NO ONE IN THE WORLD TO HELP ME. I am probably the poorest, most cash-strapped billionaire you know.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments