Aktres na si Kiray Celis, Masayang-masaya sa Surprise Gift ng kanyang Boyfriend sa kanyang Ika-25th Birthday

Nag-uumapaw naman talaga sa saya at kulay ng love life ng former Goin’ Bulilit star na si Kiray Celis dahil sa kanyang napakasweet at mapagmahal na boyfriend. At ang kanilang relasyon nga bilang magkasintahan ay sadyang napakasaya at napakatamis. Hindi nga nawawala sa mahahalagang okasyon ang pagpaparamdam nila ang pagmamahal sa isa’t isa kung saan ay naghahatid ng kilig hindi lamang kay Kiray kundi pati na rin sa mga netizens.




At kamakailan nga, ay muli namang pinakilig nina Kiray at boyfriend niyang si Stephan Estopia ang mga netizens sa pagdiriwang ng ika-25th Birthday ni Kiray noong July 29. Naging espesyal nga ang kaarawan ni Kiray dahil sa kanyang boyfriend. Dahil nga ang pinakapaborito ni Kiray na cartoon character ay si Spongebob, ito ang naging tema ng kanyang kaarawan. At hindi lamang basta tema ang naging papel ni Spongebob dahil halos mapuno ang kanilang mahabang lamesa ng cake na may disenyong Spongebob.

Ngunit, hindi lamang ito ang nagbigay kaligayahan kay Kiray dahil may espesyal pang suprise gift ang kanyang boyfriend sa kanya.

Photo credits: Kiray Celis | Instagram 

Sa Instagram, ibinahagi ni Kiray ang unboxing video ng kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang boyfriend. Sa pagbukas ng kahon ay bumungad na agad ang mga balloons na may disenyong Spongebob. Ngunit, hindi lamang ito, dahil may kasama pang sulat, chocolates at regalo sa loob ng kahon.

Ang higit na nagpasaya naman kay Kiray ay ang regalo ng kanyang boyfriend na gold necklace. Hindi nga maitago ng aktres ang kanyang kaligayahan sa espesyal na regalo ng nobyo. At gaya nga ng dati, hindi nabigo si Kiray na bigyang surpresa ng nobyo na talaga namang nagbigay sa kanya ng kaligayahan.




Photo credits: Kiray Celis | Instagram

Ayon nga kay Kiray, lahat ng nais ng isang babae upang maging masaya ay kaya nitong gawin, at nagawa na nito sa kanya.

“Lahat ng pangarap ng isang babae na may gumawa sa kanila nito, nagawa mo sakin. Wala! Wala akong masabi.”

Samantala, may hugot rin ang aktres sa regalong bigay ng nobyo sa kanya.

“P.S.. kahit nasasanla ‘’tong gold necklace na binigay mo, di ko kailanman man huhubarin ‘to. Kagaya nitong hugis pusong binigay mong necklace, sayong sayo lang rin ang puso ko.”

Photo credits: Kiray Celis | Instagram

Talaga namang kilig overload ang pag-iibigan ng magkasintahan na kung saan sa bawat mahahalagang okasyon ay hindi mawawala ang mga masasaya at nakakakilig na kaganapan upang iparamdam ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments