Barbie Imperial, Sinasang-ayunan na lang ang kanyang mga Basher Upang Manahimik ang mga ito

Tunay nga na kahit anong gawin mo ay may masasabi at masasabi pa rin sayo ang ibang tao. Wala naman talagang perpekto sa mundong ating ginagalawan, ngunit tila may mga tao naman na perpektong-perpektong kung makapuna ng kanilang kapwa. At isa nga sa mga nakakaranas ng madalas na pagpuna ay ang mga sikat na artista sa showbiz.




Parte na ng kanilang buhay artista ang pagkakaroon ng mga basher kaya naman ang ilan ay tila sanay na at hindi na lamang ito pinapansin. May ilang artista naman na sinasabayan na lamang ang pang-babash ng mga basher upang tumahimik ang mga ito.

Photo credits: msbarbieimperial | Instagram 

Isa na nga rito ang napakaganda at napakaseksi na aktres na si Barbie Imperial. Sa kabila ng taglay na kagandahan, seksi na katawan at mala-porselanang kutis ng aktres ay may mga tao pa ring pumupuna ng kanyang pisikal na kaanyuan. Walang ligtas ang tulad ni Barbie na kahit maganda, ay may nakaabang pa ring mga bashers sa buhay niya. Ngunit, tila alam na ni Barbie ang paraan upang mapatahimik ang mga ito.

Photo credits: msbarbieimperial | Instagram

Sa programang “Tonight With Boy Abunda”, ibinahagi ni Barbie ang kanyang ginagawa sa mga bashers niya sa tuwing magbibigay ang mga ito ng hindi kanais-nais na komento sa kanyang post.

Photo credits: msbarbieimperial | Instagram

Katulad na lamang noong nagbakasyon siya sa Boracay kung saan nakasuot siya ng swimsuit. Makikita na napakaseksi ni Barbie sa suot na swimsuit, ngunit may isang netizen ang pinuna ang magkabilang dibdib ng aktres na hindi raw ito pantay.




Photo credits: msbarbieimperial | Instagram

Ngunit sa halip na makipag-argumento at makipag-away sa basher, ay mahinahon na sinang-ayunan na lamang ito ni Barbie. At ayon pa nga sa aktres, ay totoo naman na hindi pantay ang kanyang dibdib. At naniniwala naman si Barbie na normal lang sa mga kababaihan ang pagkakaroon ng hindi pantay na dibdib. Kaya naman, mas maganda na aminin na lamang niya ito at huwag ng pahabain pa ang isyu. At sa ginawang ito ni Barbie, ay nalaman niya na epektibo pala ito dahil kalaunan ay binura ng basher ang negatibong komento sa post ng aktres.

Photo credits: msbarbieimperial | Instagram

Samantala, sa kabila ng maraming basher ni Barbie sa kanyang mga social media accounts, ay umaapaw naman ang mga biyaya at proyektong dumarating sa aktres. Hindi maikakaila na tunay ngang napakaganda at may angking talento sa pag-arte si Barbie. At walang sinuman ang maaaring maging hadlang sa kanyang namamayagpag na karera kahit pa ang mga bashers niya na walang sawang pumupuna sa kanya.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments