Jaclyn Jose, Agaw Pansin sa Social Media Matapos Magpost ng Throwback Photo ng kanyang Anak na si Andi Kasama ang Ex-boyfriend nito na si Jake Ejercito

Usap-usapan nga ngayon sa social media ang batikang aktres na Jaclyn Jose matapos magpost ng throwback photo ng kanyang anak na si Andi Eigemann kasama ang dati nitong nobyo na si Jake Ejercito.




Hindi nga naging maganda ang epekto sa mga netizens ng pagpost ng batikang aktres. Dahil nga, ang nakaraan nina Jake at Andi ay ibinaon na sa limot at ngayon nga, ay masaya na sa buhay si Andi kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at kanilang anak.

Matatandaan na, naging magkasintahan si Andi at Jake noon at naging kontrobersyal pa ang pagbubuntis ni Andi kung sino ang ama, ngunit sa huli ay nakumpirma na ang ama ng anak ni Andi ay si Jake, at ang kanila ngang anak ay pinangalanang Ellie. Hindi naman nagtagal ang kanilang pagsasama at noong 2014 nga ay nagkahiwalay sila.

At ngayon nga, tila may gustong ipahiwatig ang ina ni Andi sa pagpost nito ng throwback photos nina Andi at Jake noong sila’y mga bata pa. Ang post ngang ito ay nilakipan ng batikang aktres ng caption na:

“Guess who are these kids! Sarap balikan ng mga baby.”

Photo credits: Jaclynjose | Instagram

Naghatid nga ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May nagbigay ng positibong komento at mayroon din namang nagpahayag ng negatibong komento. Ang ilan nga sa mga positibong komento ay nagpakita ng papuri at paghanga sa ka-cutan ng dalawang bata. May nagsabi rin na bagay umano ang dalawa sa isa’t isa.




Samantalang ang mga negatibong komento naman ay nagpapakita ng malasakit sa kasalukuyang partner ni Andi. At ilan nga sa mga ito ay nagsabing:

“Luh wag ganun ms Jacklyn… Respect the surfer dude.”
“Ay ang panget naman sa part ng current partner ng anak. Kahit pa mabait at understanding ang tao, off pandin yun.”
“grabe naman… ano kaya ang gusto iparating ni madam bakit nag popost p ng ganyan.”

Ngunit, sa kabila ng mga negatibong komentong natanggap ng batikang aktres na si Jaclyn, hindi naman maipagkakaila na isa siyang napakabuting ina kay Andi. Sa katunayan nga nito, ay ipinaglalaban niya ang kanyang anak at kanyang mga apo. Palagi ring nakasuporta si Jaclyn sa kanyang anak lalo na sa kanyang apo na ipaglaban ang karapatan ni Ellie bilang anak ni Jake. Matatandaan nga na si Jaclyn pa ang mismong pumukaw ng atensyon ni Jake upang gawin ang responsibilidad nito kay Ellie.

Ano kaya ang nais iparating ng post na ito ng aktres? Ngunit, anu pa man ang nais niyang ipabatid ang mahalaga ay mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Andi at kanyang mga apo.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments