Kilalanin si Mathena, ang Mini Me at Napakagandang Bunsong Anak ng Aktres na si Aiko Melendez

Sino nga ba ang hindi makakakilala at hahanga sa aktres na si Aiko Melendez sa kanyang mahusay na pagganap sa teleserye ng GMA na Prima Donnas? Talaga nga namang kahanga-hanga ang angking husay ng aktres sa pag-arte. Hindi maikakaila na magmula dekada 80 hanggang sa kasalukuyan, ay marami na siyang nagawang pelikula at teleserye na kung saan ay hinangaan at tinangkilik ng publiko.




At gaya nga ng mga ginampanan ni Aiko na karakter sa pelikula, naging makulay rin ang kanyang buhay pag-ibig. Dahil nga, may angking kagandahan rin ang aktres marami ang nahulog sa kanya. Isa na nga rito ang aktor na si Jomarie Yllana na kung saan ay nakarelasyon niya sa loob ng tatlong taon, magmula taong 2000 hanggang 2003. Nauwi nga ang kanilang relasyon sa hiwalayan, ngunit ito’y nagbunga ng isang anak na lalaki at ito nga ay pinangalanan nilang Andrei.

Photo credits: Aiko Melendez | Instagram  

At noong 2006 naman, muling binuksan ni Aiko ang kanyang puso na umibig muli. Sa pagkakataon ngang ito, ay ikinasal siya kay Martin Jickain ngunit hindi rin nagtagal at ang kanilang pagsasama ay nagwakas noong 2010. Nagkaroon naman sila ng isang napakagandang anak na babae.

Photo credits: Aiko Melendez | Instagram

Hindi man mapalad si Aiko sa kanyang mga naging katuwang sa buhay, bawing-bawi naman siya sa kanyang anak na si Mathena Jickain, ang anak niya kay Martin. Hindi nga maitatanggi na tila nagkaroon si Aiko ng mini me sa anak niyang ito. Dahil, talagang kamukhang-kamukha ito ni Aiko at tila isang batang Aiko kung pagmamasdan. Hindi rin maikakaila na namana nga ni Mathena ang kagandahan ng kanyang ina.




Photo credits: Aiko Melendez | Instagram

Samantala, napalaki ng maayos ni Aiko si Mathena na kung saan ay napakabuting bata at mapagmahal na anak. Maliban naman sa napakagandang bata ni Mathena, malaki rin ang pagkahilig nito sa sports. Sa katunayan nga nito, ay isa itong volleyball player sa kanilang paaralan na talaga namang nakikitaan rin ng galing sa paglalaro.

Photo credits: Aiko Melendez | Instagram

Tunay nga napakapalad ni Aiko sa pagkakaroon ng anak na kahawig niya at mapagmahal pang anak. Hindi man siya pinalad sa mga naging karelasyon niya, mapalad naman siyang magkaroon ng isang anak na gaya ni Mathena. Marami nga sa mga ina ang naghahangad na magkaroon ng isang anak na babae upang kanilang maging mini me, at isa nga si Aiko sa mga maswerteng ina na nabiyayaan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments