Kapamilya Actor Dominic Ochoa, Ipinasilip ang kanyang Napakagandang Bahay Pati na rin ang Kanyang Vintage Car Collection

Isa sa ating pinanghuhugutan ng inspirasyon sa buhay ay ang ating mga iniidolong artista sa showbiz. Lalo na sa tuwing nakikita natin ang kanilang mga kahanga-hangang tahanan na kanilang naipundar mula sa kanilang pagsusumikap. Kaya naman bilang tagahanga ay nagkakaroon tayo ng inspirasyon upang magsumikap rin sa buhay.

Marami na nga sa mga iniidolo nating artista sa showbiz ang ibinahagi ang ganda ng kanilang tahanan na nagbigay sa atin ng inspirasyon. At ngayon nga, sa bagong programa ng Star Magic na “Welcome kayo Dito”, masisilayan natin ang napakagandang tahanan ng aktor na si Dominic Ochoa.

Walang pag-aalinlangan na pinatuloy ni Dominic ang nasabing programa sa kanilang humble home na apat na taon na nilang tinitirhan. Ayon nga, sa aktor ay hindi pa umano kompleto ang kagamitan sa loob ng kanilang bahay dahil nga, inuunti-unti pa lang niya ang pagsasaayos nito.




Mahilig ang aktor sa mga vintage na kagamitan, kaya naman ang loob at disenyo ng kanyang tahanan ay may kombinasyon ng classic at vintage na disenyo na talaga namang napakaganda at bumagay sa personalidad ng aktor.

Pagpasok nga sa loob ng kanyang tahanan ay agad sasalubong ang malawak na living area. Kapansin-pansin naman ang mga vintage na kagamitan tulad ng electric fan at kabinet na halos 15 taon na niyang iniingatan. Makakapagrelax rin sa living area dahil malayang nakakapasok ang sariwang hangin na nagmumula sa labas. Nais ring lagyan ni Dominic ng paintings ang living area mula sa mga kaibigan niyang mahuhusay na pintor sa showbiz upang maging dagdag disenyo.

Photo credits: Dominic Ochoa | Youtube Channel

Photo credits: Dominic Ochoa | Youtube Channel

Samantala, pagsapit naman sa kusina at dining area ay hindi pa rin nawawala ang mga sinaunang kagamitan na kinahihiligan ng aktor. Ang dining area ang paboritong lugar ng aktor dahil dito nakatago ang mga produktong ibinibenta nilang mag-asawa. Ngayong panahon ng quarantine, ay dumiskarte si Dominic kasama ang kanyang asawa sa pagbebenta ng prutas, dips, ice cream, wagyu, at gourmet tinapa jars sa kanilang village upang maging produktibo at may napapagkakitaan pa rin kahit may pandemya.




Photo credits: Dominic Ochoa | Youtube Channel

Photo credits: Dominic Ochoa | Youtube Channel

“Up until now, it’s not safe to go to places especially ngayon ang mga nakukuhan talaga ng virus is ‘yung grocery, bangko. ‘Yan ‘yung mga iniiwasan natin puntahan. Kaya habang ganito pa ang sitwasyon — kung wala pang trabaho — nakapag-isip kami ng Misis ko na let’s try to be productive.”

Pag-amin naman ng aktor ay mismong siya ang nagdi-deliver ng mga produktong inoorder ng kanilang mga suki. Tunay nga, na diskarte ang kailangan sa panahon ng krisis upang may mapagkakitaan.

Kahanga-hanga rin ang tahanan ni Dominic sa dami ng mga luntiang halamang makikita sa kanilang mini garden. Maging sa loob ng bahay ay may mga indoor plants ring makikita. Nakakarelax at napakaganda sa pakiramdam ang hatid ng ambience ng tahanan ng aktor sa kanilang pamilya.

Photo credits: Dominic Ochoa | Youtube Channel




Photo credits: Dominic Ochoa | Youtube Channel

Pagbibiro naman ng aktor, may bagay umano na pinagseselosan ang kanyang asawa. Ito nga ang kanyang mga vintage car collection na matatagpuan sa garahe ng kanyang tahanan na talaga namang nanatili ang taglay na ganda sa kabila ng kalumaan ng mga ito. Kabilang nga sa koleksyon ng aktor ang 1968 Volkswagen Beetle convertible; 1978 Ford Escort; 1995 all-original Range Rover; at ang 2018 Vios Cup car; at isang kotse na gamit niya noong siya’y nasa kolehiyo pa palang na itinuturing niyang “lucky car.”

Photo credits: Dominic Ochoa | Youtube Channel

Tunay nga na kahanga-hanga ang napakagandang bahay ng aktor, walang duda na lahat ng kinita niya sa showbiz bilang artista ay inilaan niya para rito. Talagang karapat-dapat niyang ipagmalaki at ipagpasalamat ang bunga ng kanyang pagsisikap.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments