Aktres at Vlogger na si Dani Barretto, Ipinasilip sa Kanyang Vlog ang Pinapagawang Bahay nilang Mag-asawa Para sa kanilang Pamilya

Isa sa maituturing na tagumpay sa buhay ay ang makapagpundar o makapagpatayo ng sariling bahay para sa ating pamilya. Walang katumbas na kaligayahan ang hatid kapag ang matagal na nating inaasam para sa ating pamilya ay naisakatuparan.



Ngunit, ang aktres at vlogger na si Dani Barretto ay napakapalad dahil ang pangarap niyang bahay para sa kanyang pamilya ay nakuha niya sa tulong ng mga magulang ni Savi. Hindi nga matatawaran ang kaligayahan ni Dani dahil sa mga biyayang patuloy na dumarating sa buhay niya. Magmula nga sa pagsilang niya sa kanilang 1st baby ng kanyang asawang si Xavi Panlilio, ay may isa pang biyaya ang dumating sa kanilang pamilya. Ito nga ang regalong bahay sa kanila ng mga magulang ni Savi na 3-storey house. Ang bahay na ito ay wedding gift ng mga magulang ni Savi sa pagsisimula ng kanilang pamilya.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Bilang isang vlogger, ay madalas ngang magbigay ng updates si Dani sa kanyang mga followers ng progress ng kanilang bahay na on going ang construction.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel



At noong August 17, 2020, sa Youtube Channel ni Dani, ay may pa-house tour siya kasama ang kanyang asawa sa kanilang bahay na kasalukuyang pinapagawa. Ayon nga sa asawa ng aktres na si Xavi, ay naantala umano ang construction ng bahay dahil sa pandemya at limitado lamang ang maaaring magtrabaho. Ngunit, kahit may pandemya, ay unti-unting nabubuo ang bahay nilang mag-asawa para sa kanilang pamilya.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Samantala, makikita nga sa video na bagama’t hindi pa tapos ang bahay, ay napakalawak at napakalaki nito. Tila nga, inihanda na ni Dani ang bahay para sa kanyang lumalaking pamilya.
Bawat sulok nga ng pinapagawang bahay ay ipinakita ni Dani sa kanyang vlog. Makikita na naroon pa ang mga materyales para sa construction ng bahay. Maging ang mga trabahador ay abala din sa pagsasaayos ng bahay.

Hindi naman maitago sa mukha ni Dani ang excitement, dahil malapit ng matapos ang bahay na matagal na niyang pinapangarap. Kaunti na lang ang mga dapat ayusin, kaya naman, ilang linggo na lang ang kanilang aantayin upang tuluyan ng makalipat ang kanilang pamilya sa bagong tahanan.



Samantala, matatandaan naman na nagsimula ang construction ng bahay ni Dani noong May 2019 kung saan ipinakita niya sa kanyang Instagram ang larawan ng pinapagawang bahay.

Ikinasal si Dani at Savi noong April 23, 2019 sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City. At ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng isang anak na si Camilla Marguerite “Millie” Panlilio na ipinanganak naman noong September 13, 2019. Napakapalad naman talaga ng mag-asawa dahil sa pagsisimula ng kanilang pamilya ay may sarili na silang bahay na kung saan ay sama-samang bubuo ng masasayang alaala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto) on


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments