Kilalanin ang Dating Aktres na si Katherine Luna, ang Ex-Girlfriend ng Sikat na Aktor na si Coco Martin

Ang aktor na si Coco Martin ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na aktor. At sa lahat nga ng proyektong kanyang ginawa, mapa-teleserye man o pelikula, ang higit na nagbigay ng katanyagan sa kanya ay ang teleseryeng “FPJ’s: Ang Probinsyano”. Ang teleseryeng ito ay siya rin mismo ang director at ang mismong bida na kung saan ay hindi maikakaila ang angking talento at husay sa pag-arte.

Naging bukas na pintuan rin ang “FPJ’s: Ang Probinsyano”, upang magbigay ng oportunidad sa mga artista na napaglipasan ng panahon, ngunit nais bumalik sa pag-aartista tulad na lamang nina Jao Mapa, Julio Diaz at Mystica. Malaking tulong nga naman talaga ito sa kanyang kapwa artista upang muling masilayan ng publiko.




Samantala, hindi naman maitatanggi ang angking kakisigan at gwapong mukha ni Coco, kaya naman, marami ang mga babaeng nahumaling sa kanya. Isa na nga rito ang dating aktres na si Katherine Luna. At dahil nga mahusay na aktres rin noon si Katherine, marami ang naghahangad na magsama sila sa “FPJ’s: Ang Probinsyano”, upang ipakita ang talento sa pag-arte.

Ngunit, bago pa man magkaroon ng “FPJ’s: Ang Probinsyano”, ay matagal nang magkakilala sina Coco at Katherine. Sa katunayan nga nito, sa dami ng kanilang pinagsamahan ay nagkaroon pa sila ng relasyon bilang magkasintahan.

Una silang nagkasama sa Indie Film na “Masahista”, kung saan ay naging malapit sila sa isa’t isa at nagkaroon ng relasyon. Matatandaan naman na nabuntis si Katherine at ang itinuturong ama ng kanyang pinagbubuntis ay si Coco. Hindi naman ito itinanggi ng aktor at sinuportahan pa ang bata. Ngunit, matapos ang ilang taon ay nakumpirma ni Coco ang katotohanan matapos lumabas ang resulta ng DNA. At ang nakasaad sa resulta ay negative, kaya naman, hindi si Coco ang tunay na ama ng anak ni Katherine.




Ngayon nga, ay matagal nang hindi nasisilayan si Katherine sa telebisyon. At ang huling balita nga sa dating aktres ay inaresto at nakulong ito kasama ang kanyang live in partner dahil sa ipinagbabawal na gamot.
Nakakalungkot mang isipin ang sinapit ng karera ng dating aktres, marami pa rin ang umaasa na sana balang araw ay makabangon ito sa pagkalugmok at mabago ang buhay.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments