Silipin ang Masayang Despedida Party ng Magkakaibigang Sunshine, Ruffa, Jackie, Karla, at Vina para sa kanilang BFF na si Donita Rose

Tunay nga na walang anumang kayamanan ang makakapantay sa pagkakaroon ng isang matalik na kaibigan. Isang tunay at tapat na kaibigang handang umagapay anumang oras at makakasama hanggang sa huli.




Hindi nga matatawaran ang pagkakaibigan ng mga celebrity moms na sina Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, Jackie Forster, Karla Estrada, Vina Morales at Donita Rose na talagang magmula sa kanilang pagkadalaga ay magkakasama na sa industriya ng showbiz hanggang sa ngayon na may mga anak na sila at may kanya-kanya ng pamilya.

Photo credits: Sunshine Cruz | Instagram

Kamakailan nga, bago pa man ideklara ang MECQ sa Metro Manila, mapalad ang magkakaibigan na magkaroon ng isang masayang despedida party para sa kanilang matalik na kaibigan na si Donita Rose. Nalalapit na ngang lumipad patungong United States ang kanilang BFF na si Donita upang doon manirahan at magsimula ng bagong buhay.

Kaya naman, bago pa man lisanin ng dating VJ at aktres na si Donita Rose ang Pilipinas, tiniyak ng mga matatalik niyang kaibigan na magkaroon ng isang di makakalimutang samahan ang kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ng isang despedida party na ginanap sa napakagandang tahanan ni Vina Morales.




Hindi nga pinalampas ng magkakaibigan na magkaroon ng masayang bonding moments bago tuluyang umalis si Donita.

Makikita nga sa mga larawan at videos na kanilang ibinahagi sa kanilang mga Instagram na talagang enjoy na enjoy at masayang-masaya silang kasama ang bawat isa.

Photo credits: Sunshine Cruz | Instagram

Sa Instagram ni Sunshine, ibinahagi niya ang larawan kung saan magkakasama silang magkakaibigan habang nasa pool.

“So happy to see these beautiful momshies for Donita’s despedida. We will miss you, Dee. We love you!”

Samantalang si Jackie Forster naman ay nagbahagi ng video clip habang masaya silang nag-kakaraoke. Ayon pa kay Jackie, “the only time Ruffa isn’t poised,” na tinutukoy ang kaibigang si Ruffa na tila nawala ang pagka-poised nito sa sobrang enjoy ng mga sandaling iyon.

#Friendsforever through thin… and now, through thickness,”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

dagdag pa nito na kahit ano pang magbago sa kanilang katawan ay magkakaibigan pa rin sila.

Hindi naman maitatanggi ni Ruffa ang pagmamahal sa kanyang kaibigang si Donita, at sa Instagram nga masaya niyang ipinabatid ang pagmamahal sa kaibigan na ang tanging hangad niya ay kaligayahan nito.




“For my BFF, Donita Rose, who will wisely start a new life in America. We will miss you girl! No depressing goodbyes though… just see you again super soon. P.S.: Who knows? Your Prince Charming might be there waiting for you”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Talaga nga namang napakatatag ng pagkakaibigan ng anim na celebrity moms na kung saan ay magkakasama hanggang sa huli. Tunay nga na walang papantay sa kanilang samahan bilang magkakaibigan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments