Kilalanin si Ashley, ang Napakaga at Napaka Talinong Unica Hija ng Singer-actress na si Sheryl Cruz

Kapag nga narinig ang pangalang Cruz, tiyak na ang unang papasok sa ating isipan ay ang mga mahuhusay na artista sa showbiz na mula sa angkan ng mga Cruz. Magmula nga sa pag-awit hanggang sa pag-arte ay makikita na ang kanilang husay at galing sa bawat larangan.




At isa ngang nagmula sa angkan ng mga Cruz ay ang aktres na si Sheryl Cruz, na nag-iwan ng kanyang kahanga-hangang talento sa pag-arte at pag-awit sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Kabilang si Sheryl sa naggagandahang magpinsan na Cruz na sina Sunshine, Donna at Geneva. At kamakailan nga ay nagtrending ang kanilang video kung saan kumanta ang magpipinsan ng Breathless ng bandang The Corrs.

Photo credits: Sheryl Cruz | Instagram

Samantala, ang husay at katanyagan ni Sheryl sa pagiging singer ang naging daan rin niya upang makilala ang taong magbibigay saya at kulay sa buhay niya. Natagpuan nga ni Sheryl ang hinahangad na kaligayahan sa katauhan ni Norman Bustos na kung saan ay tatlong beses silang ikinasal. Ngunit, sa kabila ng ilang ulit nilang pagpapakasal ay hindi rin naging matagumpay ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. At matapos nga ang ilang taong pagsasama, ay nauwi rin sila sa paghihiwalay.




Natapos man ang kanilang pagsasama ay biniyayaan naman sila ng isang napakagandang anak na babae. Siya nga si Ashley Nicole, ang nag-iisang anak ni Sheryl na kamakailan lang ay nagtapos ng senior highschool sa San Francisco, California. Bagama’t, hiwalay na sa dating asawa, makikita pa rin ang maganda nilang relasyon pagdating sa kanilang nag-iisang anak. Sa katunayan nga nito, nang magtapos si Ashley noong June 8, 2019 sa senior highschool ay makikitang dumalo ang kanyang ama sa kanyang graduation.

Photo credits: Sheryl Cruz | Instagram

Samantala, kagaya ng aktres at singer na si Sheryl ay napakaganda at talentado rin ang kanyang anak na si Ashley. May pagmamalaki ngang ibinahagi ni Sheryl na ang kanyang anak ay mahilig rin sa musika at nakikitaan rin ng talento sa pag-awit at sayaw. Maging sa larangan ng pagtatanghal ay maipagmamalaki rin si Ashley.

Photo credits: Sheryl Cruz | Instagram

Hindi maikakaila na dumadaloy rin sa dugo ni Ashley ang dugo ng kanyang ina bilang isang mahusay na artista at singer. Kaya naman, kung nais mang pasukin ni Ashley ang showbiz ay susuportahan umano ito ni Sheryl. Ayon pa nga kay Sheryl, anuman ang tahaking landas ng kanyang anak ay susuportahan niya ito sa abot ng kanyang makakaya.

Photo credits: Sheryl Cruz | Instagram




Photo credits: Sheryl Cruz | Instagram

“You know, she’s really artistic because she can do fine arts, she can sing very well, she has a beautiful face, and she can do stage. I know that whatever she desires or course she plans to take up along the way, in the future, would be a good one and I would be supportive of her,”

saad ni Sheryl sa isang panayam patungkol sa kanyang unica hija.

Talaga namang nakikitaan ng talento si Ashley dahil magaling rin ito sa maraming bagay. Hindi na nakapagtataka kung balang-araw ay pasukin rin nito ang showbiz gaya ng ina upang ipamalas ang kanyang angking talento.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments