Neri Naig Matagal na daw Nakapag Handa Bago pa man Mag Community Quarantine, Ibinahagi ang Vegetable Garden na Naging Sandigan Nila sa Panahon ng Pandemya

Tunay nga na napakalaking tulong ng pagiging handa sa anumang sakuna. Dahil ang sakuna ay hindi natin alam kung kailan darating sa buhay natin, kaya naman ang pagiging handa ay napakalaking tulong upang may panlaban tayo sa problemang kahaharapin.




At ngayon nga, hindi natin lubos maisip na sasabak tayo sa matinding krisis na dulot ng nakakahawang sakit na COVID-19. Dahil dito ay nagkaroon ng pinapairal na enhanced community quarantine kung saan ay hindi tayo maaaring lumabas ng ating tahanan. Marami rin ang nawalan ng trabaho at nawalan ng pinagkakakitaan kung kaya’t walang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Ngunit, ang aktres at negosyanteng si Neri Naig-Miranda ay hindi gaanong ininda ang hirap ng krisis na kinakaharap. Dahil nga ito sa pagiging handa niya kung saan bago pa man dumating ang matinding suliranin na ito ay mayroon na siyang vegetable garden na napagkukunan niya ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ipinasilip nga ni Neri ang kanyang malawak na garden na punong-puno ng iba’t ibang klaseng gulay na naging katuwang niya sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa pagbabahagi ng aktres, bata pa lang daw siya ay malaki na ang pagkahilig niya sa pagtatanim. Dahil nga, lumaki sa probinsiya ng Zambales naging bukas na ang kanyang isipan sa buhay probinsiya kung saan ay marami ang nagtatanim ng gulay sa bakuran ng kanilang tahanan.




Ayon pa kay Neri, napakalaki ng naitulong ng kanyang vegetable garden sa kanilang pamilya sa panahon ng pandemya. Bukod nga sa nakakatipid, ay hindi na niya kailangan pang magtungo sa palengke upang mamili dahil pipitasin na lamang ang kailangan niyang rekados sa garden na talaga namang kompleto na sa mga gulay. Nakakatiyak rin na masustansiya ang gulay at pagkain na ihahain niya sa kanyang pamilya dahil nga, siya mismo ang nagtanim at hindi gumamit ng anumang kemikal sa pagpapalago ng mga pananim.

Malaki rin ang naitulong nito para sa kanyang anak na si Miggy at asawang si Chito Miranda. Ayon nga kay Neri, natuto na raw kumain ng gulay ang anak niyang si Miggy at talagang gustong-gusto nito ang mga lutong gulay na inihahain niya. Samantalang ang asawa naman niyang si Chito, ay naging bukas na rin ang isipan sa pagtatanim na maaaring makatulong sa kanila. Kung noong una raw, ay hindi matanggap ni Chito ang hilig ni Neri dahil nga sa laking syudad, ngayon nga ay suportado na nito ang asawang si Neri kung saan ay tinutulungan na niya ang asawa. Maging ang nais ni Neri na manirahan sa isang farm ay sinuportahan na rin Chito dahil nga napagtanto na nito ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hayop gaya ng manok na napakalaking tulong sa panahon ng krisis.




Hinikayat rin ni Neri ang publiko na magkaroon ng garden sa kanilang tahanan dahil nga talagang napakahalaga nito sa oras ng krisis at kawalan ng hanapbuhay upang may mapagkunan ng pang-araw-araw na pangangailangan.

Masayang-masaya nga si Neri hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin para sa kanyang pamilya na nabibigyan niya ng sariwa at masustansiyang pagkain. Bukod nga sa stress reliever ni Neri ang pagga-garden ay masarap rin sa kanyang pakiramdam na natutulungan niya ang kanyang pamilya kahit sa panahon ng krisis. Tunay nga na isang madiskarte at wais na misis si Neri, na laging handa anumang oras.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments