Komedyanteng si Wacky Kiray, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Dream House na Bunga ng Kanyang Pagsisikap

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang magkaroon ng maituturing na sariling bahay na mula sa ating dugo’t pawis. Kaya naman, labis na lamang ang ating pagsusumikap sa buhay upang ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay ay maisakatuparan.




Isa ngang inspirasyon ang hatid ng komedyanteng si Wacky Kiray sa mga nagnanais magkaroon ng sariling bahay. Mula nga sa pagkapanalo niya sa celebrity talent competition na “I can do that” sa ABS-CBN noong 2017 ay naging isang celebrity siya. At dito na nga tuluyang umusbong ang kanyang karera sa showbiz bilang mahusay na komedyante at host.

Hindi naman niya sinayang ang pagkakataong ito upang mabago ang buhay at tuparin ang kanyang mga pangarap. At sa pamamagitan nga ng kanyang sipag at tyaga sa trabaho ang kanyang pangarap na bahay ay natupad na. Ngayon nga, matapos ang mahabang panahong pagtira sa isang maliit at tumutulong bahay kapag umuulan ay masaya nang naninirahan si Wacky sa napakaganda niyang dream house.

Ipinasilip nga ni Wacky Kiray sa programang “Magandang Buhay” ang kanyang napakagandang dream house na matatagpuan sa Quezon City na bunga ng kanyang pagsisikap. Ito nga ay may lawak na 55sq.m lot at may apat na palapag.




Makikita sa napakagandang bahay ni Wacky ang klasiko at modernong desinyo ng tahanan na talagang napakaganda ang pagkakaayos. Sa bawat bahagi nga ng kanyang bahay ay inilibot niya ang Momshies na sina Jolina, Melai at Karla.

Matatagpuan sa parehong palapag ang living room at dining area na makikita ang kaayusan at magandang disenyo. Hindi maikakaila na talagang pinag-isipang mabuti ng komedyante ang nais niyang maging disenyo ng bahay. Samantala, ang mga bedrooms naman ay matatagpuan sa ikatlong palapag. At ang kanyang silid nga ay may sariling walk in closet. Mahilig ring mangolekta si Wacky ng mga mamahaling sapatos kaya naman, naglaan siya ng espasyo para rito. At ito nga ay inilagay niya sa isang cabinet na nakapwesto sa gilid ng kanyang silid.

Dahil nga, maghapong pagod mula sa trabaho, mas nais ng komedyante na manatili sa kanyang silid at ang silid niyang ito ang pinakapaborito niyang bahagi ng bahay. Kaya naman, tiniyak ni Wacky na magkaroon ng magandang disenyo at nakakarelax na vibes ang kanyang silid upang makapagpahinga siya ng maayos.

Kahanga-hanga naman ang hatid na magandang tanawin ng rooftop ng bahay ni Wacky. Dito nga ay napakasarap mamalagi dahil malalasap rito ang sariwang simoy ng hangin. Dahil sa magandang tanawin at nakakarelax na ambience sa lugar, ay dito sila madalas mamalagi ng kanyang mga kaibigan upang magbonding sa tuwing hindi siya abala sa trabaho.




Tunay nga na kapag nagsumikap sa buhay ay tiyak na magbubunga ito. Isang patunay riyan si Wacky na binigyan ng maayos na bahay at tirahan ang kanyang pamilya na bunga ng kanyang pagsisikap.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments