Silipin ang Buhay ng Dating Aktres na si Melissa Ricks Bilang Isang Single Mom Matapos Lisanin ang Showbiz

Naaalala niyo pa ba ang aktres na si Melissa Ricks? Kung isa kayo sa mga tagahanga ng reality talent show na Star Circle Quest tiyak na nasilayan niyo ang maganda niyang mukha dahil kabilang siya sa Season 1 at nagwagi bilang 4th Runner up. Ilan nga sa mga kasabayan niyang artista sa naturang kompetisyon ay sina Hero Angeles, Sandara Park, Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.




Matapos ngang makamit ang minimithing tagumpay ni Melissa ay bumuhos ang mga proyekto sa kanyang karera kung saan pinatunayan niya ang kanyang husay sa pag-arte. Ilan nga sa mga pinagbidahan niyang programa sa ABS-CBN ay “Komiks Presents: Da Adventures of Pedro Penduko”. Maging pagdating sa primetime drama series ay sumabak rin si Melissa at ang kanyang naging teleserye ay “Iisa Pa Lamang.”

Samantala, matapos maranasan ang buhay at tagumpay sa harap ng kamera ay nagpasya si Melissa na lisanin ang showbiz dahil na rin sa mga personal na dahilan.

At ngayon nga, ay mas pinili na lamang ni Melissa mamuhay ng tahimik kasama ang kanyang anak. Hindi isinapubliko ni Melissa ang kanyang pagbubuntis at panganganak sa anak niya si Keira dahil na rin mas nais niyang maging tahimik at pribado ang kanyang buhay.

Ngunit, hindi katulad ng matagumpay na karera sa showbiz, naging malungkot ang karanasan ni Melissa sa kanyang buhay pag-ibig kung saan ay nagkahiwalay sila ng ama ng kanyang anak. At ngayon nga, ay mag-isa niyang itinataguyod si Keira sa abot ng kanyang makakaya. Mas nais ni Melissa na nakatuon lamang ang atensyon niya sa anak upang mapalaki niya ito ng maayos.




Sa kabila naman ng payo ng mga taong nagsasabi na makipag-ayos sa ama ni Keira upang mabuo ang kanilang pamilya, mas pinili pa rin ni Melissa na mamuhay mag-isa at itaguyod ang anak ng mag-isa. Dahil nga, nagdadalawang isip umano siya sa kalalabasan ng kanyang magiging desisyon, kung ito ba’y makakabuti o mas lalo pang makasama sa kanilang mag-ina.

Ayon naman kay Melissa ay may mga offer ng guesting at iba pang proyekto sa kanya sa showbiz ngunit ang mga ito’y tinanggihan niya dahil hindi pa siya handa.

“Right now, hindi pa rin ako tumatanggap [ng project] because I’m trying to work on my weight. Hopefully maabot natin ang dapat nating maabot, and then I’ll probably be ready to go back.”

Ito nga ay dahil nais niyang maging maganda ang kanyang pagbabalik sa showbiz at nais rin niyang isang bagong Melissa ang masisilayan ng lahat.




“Meron namang mga offers na guestings and stuff like that, pero I want to come back a better and a new me. So hintay-hintay na lang muna.”

Pag-amin naman ni Melissa, hindi naging madali ang mga pinagdaanan niya sa buhay bilang isang single mom at mag-isang itinataguyod ang anak. Ngunit sa kabila nito, hindi siya pinanghinaan ng loob bagkus ay buong tapang na hinarap ang mga pagsubok at hamon ng buhay. At ngayon nga, ay masayang-masaya na sa buhay ang aktres kasama ang kanyang anak dahil lahat ng hirap at pagsubok ay magkasama nilang nalagpasan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments