Mamangha sa Napakaganda At Eleganteng Mediterranean Haven ng Aktor na si Daniel Padilla na Matatagpuan sa Quezon City

Marinig pa lang ang pangalan ng aktor na si Daniel Padilla ay tiyak na hahanga at kikiligin na dahil sa gwapo nitong mukha. Si Daniel John Ford Padilla nga ang isa sa mga bigating artista na ipinagmamalaki ng ABS-CBN na talaga namang kahanga-hanga ang magandang katangian at husay sa pag-arte.




Kaya naman, napakaswerte ni DJ sa buhay dahil sa mga biyayang patuloy na dumarating sa kanya. Dahil nga sa pagsusumikap sa buhay, hindi nakapagtataka na bago siya sumapit sa edad na 20 taong gulang ay nakapagpundar na siya ng isang napakagandang bahay para sa kanyang pamilya. Kaya naman, ipinagmamalaki rin ng ina ni DJ na si Karla Estrada ang bunga ng pagsusumikap ng anak. Maswerte rin si Karla dahil sa loob ng halos 25 taong pangungupahan ay nagkaroon na sila ng sariling bahay.

Ang napakaganda at pangarap na bahay ng pamilya ni DJ na naipundar ng aktor ay may kabuuang sukat na 1,000 sq.m at matatagpuan sa isang high-end subdivision sa Fairview, Quezon City. Dito nga ay sama-samang naninirahan ang pamilya ni DJ, ang kanyang ina at mga kapatid.

Sadyang napakaganda ang bahay na ito ng aktor na may disenyong modern Mediterranean na kung saan ay binigyang kulay at buhay ng architect na si Marie-Louie Torres-de Leon.
Sa labas pa lang ng tahanan ay masisilayan na ang kagandahan at pagiging elegante ng bahay nina DJ. Makikita nga sa labas ang katamtamang taas na bakod na may simple ngunit klasikong disenyo.
Sa garahe naman, makikita ang mga magagarang sasakyan ng aktor katulad na lamang ng kanyang dream car na black Dodge Challenger na binili njya matapos makita ang Camaro ng co-actor na si Enrique Gil. May isa ring Polaris 4 x 4 all-terrain-vehicle si DJ na kanya namang ginagamit sa tuwing magbabakasyon sa Subic.

Napakapresko at nakakarelax ring tumambay sa lanai area kung saan may nakahandang munting lamesa na may tatlong upuan para sa mga bisita. May swinging bench ring makikita sa lanai area.




Napakaganda naman ng front door na sasalubong sa mga panauhin ng kanilang tahanan. Ito ay gawa sa double patio glass na may disenyong wrought-iron. Makukulay naman ang glass panels sa magkabilaang bahagi ng front door, ito nga ay hiling ng ina ni DJ na si Karla upang maging disenyo.

Living Area

Samantala, sa living area naman makikita ang napakalawak na espasyo na mas lalo namang pinaganda ng mga eleganteng sofa na bagay na bagay sa disenyo nito. Binagayan naman ang sofa ng pulang throw pillow. Ang mga eleganteng sofa na nagbigay kulay sa living area ay mula sa Philux.

Sa harapang bahagi naman ng living area makikita ang elevated portion kung saan nakapwesto ang black tufted seating pieces mula sa Home Depot. Dito sila madalas magkaroon ng meeting sa kanilang mga partner at kliyente sa negosyo.

Dining and Kitchen Area

Kahanga-hanga naman sa ganda ang 10-seater dining table na makikita sa dining area. Ito ay mula naman sa Abubot. Dito nga sila madalas kumain ng sabay-sabay sa iisang hapag.




Sa kitchen area naman ay may bubungad na archway bago tuluyang makapasok sa kusina. Ngunit, ayon sa architect na si Marie-Louie Torres-de Leon ay hindi umano ito kasama sa plano ng bahay, pero dahil nga sa kagustuhan ng mag-ina na magkaroon ng bricks sa loob ng tahanan ay ginawan niya ito ng paraan. At ang naisip niya nga, ay isang archway na may disenyong bricks na nabili sa EZ Rocks.
Ramdam na ramdam din ang pagiging at home sa kusina ng tahanan dahil sa kahoy na Mahogany na ginamit sa mga kabinet. At ito nga ay si Karla ang nag-isip ng disenyo.

Powder room

Sa powder room naman ay masisilayan ang mosaic design na talaga namang napakagandang pagmasdan. May makikita rin isang munting chandelier sa loob nito.

Second living area and dining area

Sa ikalawang palapag naman, matatagpuan ang isa pang living area kung saan madalas magbonding ang pamilya. May isa ring traditional dining set na makikita sa ikalawang palapag kung saan ay pwedeng kumain ang mag-iina.

Master’s Bedroom

Ang master’s bedroom naman ay nakalaan kay Queen Mother na talaga namang nakakarelax at napakalawak rin. May walk-in closet ring matatagpuan sa silid ni Karla na lalo namang pinaganda ng isang mataas na kulay pulang upuan. Sa kabilang dako naman ang shower area may napakalawak na espasyo. Ito naman ay isang glass enclosure at may whirlpool bathtub sa loob.

Daniel’s Bedroom

Bago naman makapasok sa napakagandang silid ni DJ, ay mayroon itong secret door na gawa sa isang bookshelf kung saan nakadisplay ang mga memorabilia tulad na lamang ng The Beatles, mga toy figures na LeBron James, Kobe Bryant, at Dwayne Wade. Makikita sa loob ng silid ng aktor ang bricks, stones, at mga rustic materials. Kasama ni DJ na natutulog sa kanyang silid ang kapatid at best friend na si JC.




Samantala, pag-amin ng aktor, ang password sa secret door na ito ay alam ng lahat ng taong kasama niya sa bahay.

Entertainment Room

Dito naman madalas tumambay ang mga kapatid ni DJ, at kanyang mga kaibigan sa tuwing dumadalaw ang mga ito sa kanilang tahanan. Dito nga sila madalas maglaro ng video games. Ayon naman kay DJ, walk-in closet sana ang silid na ito ngunit mas pinili ng aktor na gawin na lamang itong entertainment room.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments