Silipin ang Masaya at Kuntentong Buhay ng Dating Child Star na si Serena Dalrymple ngayon sa Amerika

Marami sa mga batang artista noong dekada 90 ang hindi na natin nasisilayan sa telebisyon ngayon. Ang ilan nga ay may malalim na dahilan kung bakit nila nagawang lisanin ang kanilang karera sa mundo ng showbiz. May ilan na mas pinili ng tahimik na buhay at ang ilan naman ay mas pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral.

Isa na nga rito ang napakacute na batang si Serena Dalrymple na unang nakilala dahil sa pagiging bibo sa Jollibee Commercial kung saan nakasama niya ang batikang aktor na si Aga Muhlach. Hindi naman talaga makakalimutan ang linya ni Serena sa commercial na “Isa pa-isa pang chicken joy” na talagang ipinamalas ang kanyang napakahusay na pag-arte. Kaya naman, marami ang nakapansin ng kanyang talento at dito na nga nagsimulang bumuhos sa kanya ang mga proyekto bilang isang childstar.

Photo credits: Serena Dalrymple | Instagram 

Nakatrabaho at nakasama ni Serena sa mga pelikula ang mga mahuhusay na artista sa industriya ng showbiz tulad na lamang nina Comedy King Dolphy, Ai-ai delas Alas, Vilma Santos at Maricel Soriano. Hindi maikakaila ang galing ni Serena sa pag-arte na talaga namang hinangaan ng publiko at ng kanyang mga tagahanga.

Photo credits: Serena Dalrymple | Instagram 

Ngunit, sa edad na 14 taong gulang at tinapos ni Serena ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng showbiz. Nagpasya nga ang dating childstar na iwan ang showbiz noong 2004. At noong taong 2008 hanggang 2010 ay bumalik siya sa showbiz kung saan ay naging bahagi siya ng pelikulang “Ang Tanging Ina Ninyong Lahat” (2008) at “Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To) (2010). Ngunit, matapos nito ay hindi na muling nasilayan pa sa telebisyon ang dating childstar.

Photo credits: Serena Dalrymple | Instagram

Maagang naulila si Serena sa kanyang mga magulang, sa edad na 5 taong gulang ay pumanaw na ang kanyang ama. At matapos naman ang limang taon ay iniwan naman siya ng kanyang ina dahil sa sakit na pneumonia. Ngunit, hindi ito naging hadlang kay Serena upang magpatuloy sa buhay. Matapos ngang iwan ang showbiz ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Photo credits: Serena Dalrymple | Instagram ( with Serena’s Niece)

Iniwan nga ni Serena ang showbiz upang makatanggap ng insurance sa yumaong ama na dating US Military. Nag-aral siya sa Pilipinas upang magkaroon ng magandang kinabukasan kahit wala sa mundo ng showbiz. At nang makapagtapos ng kolehiyo sa De La Salle-College of Saint Benilde ay lumipad siya patungong Amerika. Sa Amerika ay muli naman siyang nag-aral at kumuha ng kursong Masters in Business Administration sa Hult International noong 2014.

Photo credits: Serena Dalrymple | Instagram

Hindi nga nagtagal ay natapos niya ang kanyang pag-aaral at nagsimula ng magtrabaho. At nagtrabaho siya sa ilang malalaking kompanya sa US katulad na lamang ng Viacom at Paramount Pictures.
At ngayon nga ay masaya nang mamumuhay si Serena sa New York. Bawat sandali ay ineenjoy niya na kung saan ay nagagawa niyang mag-travel kahit saan mang dako ng mundo.

Photo credits: Serena Dalrymple | Instagram

Sa panayam nga kay Serena ng Push, sinabi nito na tama ang naging desisyon niya na iwan ang mundo ng showbiz upang gumawa ng sarili niyang mundo at tuparin ang kanyang mga pangarap sa buhay. Hindi nga makitaan ng pagsisisi si Serena sa kanyang naging desisyon bagkus ay makikita na masayang-masaya na ang dating childstar sa matagumpay niyang buhay ngayon ng wala sa harap ng kamera.

“Marami akong reasons for leaving showbiz and Philippines. One of the biggest reasons was during the time na wala ako masyadong projects, and I realized na I can’t rely on just my acting career I need a back-up plan, eventually my back-up plan became my priority. I chose studies over acting.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments