Mark Anthony Fernandez, Nahaharap sa Matinding Pagsubok Ngayon at Nakikitira na Lamang sa kanyang Kaibigan

Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang aktor na si Mark Anthony Fernandez, ito nga ay dahil umano sa matinding pagsubok na kanyang kinakaharap ngayon.

Matatandaan na nagsimula sa showbiz si Mark Anthony Fernandez bilang chilstar hanggang sa lumaki at nagkapamilya ay nasa showbiz pa rin siya. Naging matagumpay ang naging karera ng aktor sa showbiz kung saan bumuhos ang kanyang mga proyekto. Ipinamalas nga ng aktor ang kanyang husay at galing sa pag-arte na talaga namang namana niya sa kanyang mga magulang na sina Rudy Fernandez at Alma Moreno.




Ngunit, tunay nga na ang tinatamasang katanyagan sa showbiz ay may hangganan rin. Magmula nga nang iwan ng aktor ang showbiz, ay nagsunod-sunod ang problemang dumating sa buhay niya na tila naligaw ng landas ang aktor. At ngayon nga, muli na naman siyang nahaharap sa isang pagsubok.

Photo credits: www.google.com

May anim na anak na ang aktor ngunit ang mga ito ay matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama. Ayon nga sa mga report, ay halos pitong taon na niyang hindi nasisilayan ang kanyang mga anak, kaya naman miss na miss na ng aktor ang mga ito. Kabilang na nga rito ang Kapamilya teen actor na si Grae Fernandez na anak niya sa kanyang unang asawa.

Pag-amin nga ng aktor ng makapanayam ng Pep.ph, may pinagdaraanan nga raw ang kanyang pamilya dahil nga sa hindi nila pagkakasundo ng kanyang pangalawang asawa. Ngunit, ayon naman sa aktor ay gumaan na ang kanyang pakiramdam ngayon.

“Medyo may kabigatan nang konti dahil ang nangyari, nasa Tarlac ako noon, lumipat ako ng Paranaque, hindi kami nagkasundo ng second wife ko kumbaga.”

Photo credits: www.google.com

 

Samantala, hindi nagbigay si Mark ng detalye kung ano ang naging ugat ng hindi nila pagkakaunawan ng kanyang pangalawang asawa at pagkakaroon niya ng kabigatan ng kanyang kalooban. Ang tanging saad lang ng aktor ay nagsimula ang lahat sa panahon ng ECQ. Ngunit, napag-alaman na ngayon nga ay nakikitira siya sa bahay ng kanyang kaibigan sa Dau, Pampanga.




Sa kabila naman ng pinagdaraanan ni Mark ay labis ang kanyang pasasalamat dahil may mga tao pa rin na tinanggap at tinulungan siya sa oras ng problema.

“Laking pasasalamat ko sa lahat ng mga tao na tumulong sa akin noong height ng ECQ dahil sa C0VID-19. Tinanggap nila ako, tinulungan, dahil nga may naging problema rin ako.”

Samantala, marami ang naantig at nahabag sa kalagayan ng aktor ngayon. Isa na nga rito ang betaranong kolumnista na si Lolit Solis na nanghihinayang sa buhay ng aktor.

“Sayang si Mark dahil mahusay itong artista.”

Photo credits: www.google.com

Sa kabilang banda, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Lolit na magbabago pa ang buhay ng aktor at tanging si Mark lang daw ang makakapag-ayos ng kinakaharap niyang problema ngayon. Naniniwala rin si Lolit na darating ang araw na makakabalik ang aktor sa showbiz upang muling ipamalas ang natatangi nitong husay sa pag-arte bilang isang artista.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments