Silipin ang Napakagandang Bahay Ni Ryzza Mae Dizon na Matatagpuan sa Quezon City na Bunga ng kanyang Pagsisikap

Ipinamalas nga ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang natatanging talento at kabibohan nang sumali siya sa segment ng noon time show na Eat Bulaga na Little Miss Philippines. Walang duda na nahuli ni Ryzza ang kiliti ng mga hurado kung kaya’t siya ang itinanghal at nagwagi bilang Miss Philippines sa naturang contest.




Malalim ang dahilan ng pagsali ni Ryzza sa Little Miss Philippines at ito nga ay upang mabago ang kanilang buhay. Nagmula sa mahirap na pamilya si Ryzza, kaya naman, nang mabigyan ng pagkakataong makapasok sa showbiz ay hindi niya ito sinayang. Pinatunayan nga ni Ryzza na karapat-dapat siyang mapabilang sa mundo ng showbiz. At ngayon nga, sa edad na 10 ay malayo na ang narating ni Ryzza dahil ang tagumpay na minimithi ay nakamit na niya.

Mula nga sa pangungupahan ng isang apartment sa Caloocan city, ngayon nga ay masaya nang naninirahan ang kanyang pamilya sa tatlong palapag na bahay na kanyang naipundar. Maliban dito, ay nakapagpundar na rin si Ryzza ng dalawang magagarang sasakyan.

Tunay nga, na ramdam na ramdam ni Ryzza ang malaking pagbabago sa buhay niya. Napakalayo nga sa dating inuupahan ang bahay nila ngayon. Dahil sa ganda at lawak nito ay talaga nga namang isa siyang tunay na prinsesa. Ayon kay Ryzza, ay ang kanyang ina ang naghanap ng bahay at pumili ng magandang disenyo ng naturang bahay. Hindi naman maikakaila na may magandang taste ang ina ni Ryzza dahil sa elegante at ganda ng disenyo ng kanilang tahanan.

Sa living room pa lang ay sasalubong na agad ang ganda at eleganteng disenyo sa mga bisita. Nakahanda at tila nag-aanyaya naman sa mga bisita ang kulay abong sofa na nakaharap sa isang napakalaking flat screen TV. May nakapagitan ring black table console sa mga ito. Talaga namang bumagay kombinasyon ng kulay na ginamit sa interior design ng tahanan.

Samantala, pagsapit naman sa dining area ay hindi naman maitatanggi ang ganda at elegante nito. Dahil nga, masyado ng common ang retangular shape na dining table, mas pinili ni Ryzza na isang round table na may anim na upuan ang ilagay sa gitnang bahagi ng dining area.




May makikita ring isang hanging mirror malapit sa dining table kung saan nakasabit sa ibabaw ng table console. Makikita nga rito ang mga larawan ni Ryzza kasama ang larawan ng kanyang pamilya. Hindi rin syempre mawawala ang larawan ng isa niyang pelikula na My Little Bossing kung saan nakasama niya si Bossing at Bimby.

Matatagpuan naman sa ikatlong palapag ng kanyang napakagandang tahanan ang mga silid-tulugan. May nakalaan ngang silid para sa kanilang magkakapatid. Ang magkapatid na Nicole at Nathan, bagama’t magkasama sa iisang silid ay may kanya-kanyan naman silang kama. Si Nicole nga ay Tweety Bird ang napiling disenyo ng kumbrekama, samantalang si Nathan naman ay ang paboritong Spiderman ang disenyo.

Pagdating naman sa silid ni Ryzza ay masisilayan na agad ang malawak na espasyo sa loob nito. May maganda ring kulay at disenyo ang kanyang silid kung saan ang pader ay pininturan ng baby pink, samantalang ang mga kagamitan ay malalamig rin sa mata na bumagay sa kulay ng pader. Sa sahig nga ay makikita ang mabalahibong kulay green na carpet, ang kabinet kung saan nakalagay ang kanyang mga damit ay pininturahan naman ng kulay dilaw. Kasama ni Ryzza sa siid ang isa niyang kapatid kung saan ay natutulog sa pull out ng kanyang higaan.

Makikita rin sa loob ng silid ni Ryzza ang regalo sa kanya ng singer at aktres na si Pops Fernandez na isang pink-toy operated car. Maging ang mga signature bag ay nakadisplay sa taas ng kabinet ng batang host ay maayos rin ang pagkakaayos. Ang ang ilan nga sa mga ito ay bigay lamang sa kanya.




Sa ikatlong palapag ay may isa pang malawak na living area at madalas ngang dito dinadala ni Ryzza ang kanyang mga bisita. Dito na rin madalas magbonding ang kanyang pamilya at hindi na kailangan pang bumaba sa unang palapag ng bahay kung saan makikita ang unang living area.

Kahanga-hanga naman ang master’s bathroom ng tahanan ni Ryzza. Ito nga ay may kombinasyon ng kulay green at pink. Isang kulay green na upuan ang ginagamit ni Ryzza upang maabot ang sink, samantalang isang charmy pink bath mat naman ang nakalatag sa sahig.

Talaga nga namang malayo na ang narating ni Ryzza, hindi maikakaila na sa taglay niyang galing at talento mapahost man o artista ay karapat-dapat lamang na masuklian ang kanyang pagsisikap.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments