Pia Wurtzbach at Boyfriend na si Jeremy Jauncy, Masayang Namamasyal sa London Habang Sumusunod sa Safety Protocols

Napakakulay naman talaga ng lovelife ni Miss Universe 2014 Pia Wurtzbach sa piling ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncy. At matapos nga ang home quarantine na ginawa ng beauty queen bilang pagsunod sa safety protocols noong nakaraang buwan nang dumating siya sa London ay agad na nagkita at nagkasama ang magkasintahan. Ngunit, tila napapadalas ang kanilang pagsasama nitong mga nakaraang araw na talagang ineenjoy ang presensya ng bawat isa.




Sa kabila nga ng patuloy na pakikipagsapalaran sa pandemya upang maging ligtas ay sinunod ng magkasintahan ang safety protocols gaya ng pagsusuot ng facemask. Hindi nga naging hadlang ang pandemya upang magkaroon sila ng bonding moments ng magkasama.

Photo credits: Jeremy Jauncey | Instagram

At kamakailan nga, ibinahagi ni Pia ang kanilang masayang pamamasyal sa Millenium Bridge sa London na kung saan ay makikitang pareho silang nakasuot ng facemask.

“Walking through Millennium bridge with Jeremy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach) on

Ayon nga sa post ni Pia sa kanyang Instagram, mahalagang maging maingat pa rin upang maging ligtas sa nakakahawang sakit. Bagama’t, malaya ng nakakapasyal sa London at hindi inoobliga ang pagsusuot ng facemask kapag lumalabas ng bahay, mas pinili pa rin nilang magsuot ng facemask bilang pagsunod sa safety protocols.

“PS: Always wear your mask, respect safety protocols when leaving the house. In London you are allowed to walk outside and it’s not mandatory to wear a mask outdoors but we wear masks anyway!”

Photo credits: Jeremy Jauncey | Instagram

Kahit na nag-eenjoy ang dalawa sa kanilang pamamasyal, iniisip pa rin nila ang kanilang kaligtasan upang maging ligtas at huwag mahawaan ng sakit.

Kapansin-pansin rin ang hawak na tubig ni Pia habang naglalakad kasama ang nobyo. Mahalaga naman talagang may bitbit na inumin upang huwag mauhaw at manatiling fresh ang pakiramdam sa tulong ng pag-inom ng tubig.




Makikita nga na talagang nag-eenjoy ang magkasintahan habang naglalakad sa napakaganda at mahabang tulay ng Millenium Bridge. Hindi ito ang unang pagkakataong nagbahagi si Pia ng kaganapan sa kanila ng nobyong si Jeremy dahil magmula ng magkasama sila ay maging madalas rin ang pagbabahagi ng beauty queen ng kanilang bonding moments.

Samantala, matatandaan na noong buwan ng Hunyo inanunsyo ng magkasintahan ang estado ng kanilang relasyon sa publiko sa pamamagitan ng Tatler Philippines kung saan ay tampok sila sa cover ng magazine na kinunan ang mga larawan sa New York.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach) on


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments