She said Yes! Melissa Ricks, Engaged na sa Kanyang Non-showbiz Boyfriend na si Michael Macatangay

Ang aktres na si Melissa Ricks ay una nating nasilayan noong 2004 sa reality talent search na Star Circle Quest kung saan nagwagi siya bilang 4th runner up sa naturang kompetisyon. Matapos nga, ang sinalihang kompetisyon kung saan ipinamalas ang kanyang talento, ay bumuhos ang mga proyekto sa kanyang karera bilang mahusay na artista. Naging matagumpay nga ang karera ng aktres sa showbiz na talagang tinangkilik ng publiko ang kanyang mga nagawang pelikula.



Ngunit, hindi tulad ng kanyang matagumpay na karera, naging malungkot ang buhay pag-ibig ni Melissa kung saan nakaranas siya ng kabiguan. Isa ngang single mom si Melissa sa anak niyang limang taong gulang na si Kiera, na anak niya sa dating kasintahan na si Charles Togezaki, isang chef and businessman.

Ngunit, muli namang natagpuan ng aktres ang isang pag-ibig sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay. At noong August 29, araw ng Sabado, ay labis ang kaligayan ni Melissa matapos makatanggap ng surpresa mula sa kanyang boyfriend. Ito nga ay matapos magproposed ang kanyang boyfriend na si Michael sa kanya kung saan naging saksi ang ilang malalapit na kaibigan at kanilang pamilya. Ito nga ay naganap sa isang romantikong lugar sa Batangas. Sa wakas nga, ay engaged na ang aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend at lahat ng kanilang kasama nang sandaling iyon ay ramdam ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ang romantic proposal ngang ito, ay nasaksihan rin ng Nice Print Photo kung saan ay nagbahagi sa kanilang Instagram page ng sweet na litrato ng dalawa. Sa larawang ibinahagi ng Nice Print Photo, makikita na masayang-masaya si Melissa habang proud na ipinakita ang daliri niyang may suot na singsing.

“And she said YES! 💍💍💍💍Congratulations @mellyricks09 and Michael ❤️❤️❤️❤️ Love is in the air! #SheSaidYes.”

Makikita naman sa sumunod na post ng Nice Print Photo na sweet na sweet ang mag-fiancee sa isa’t isa habang may hawak namang bouquet of flowers si Melissa. Ayon pa sa naturang post, ay talagang napakaganda at pinaghandaang mabuti ni Michael ang bawat detalye ng kanyang magiging proposal sa kasintahan.



“Beautiful sweet wedding proposal tonight for @mellyricks09 carefully planned and prepared by fiancé Michael 💍💍💍💍 @gideonhermosa #gideonized set up.”

Samantala, matapos naman maganap ang romantic proposal, araw ng Linggo, August 30, nang magpost naman si Melissa sa kanyang Instagram account ng isang Bible verse. Makikita naman sa kalakip na larawan sa naturang post, ang pagiging emosyunal ng aktres.

“I will guide you along the best pathway for your life. I will advise you and watch over you. ~Psalms 32:8.💍🙏.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments