Si Mario Teodoro Failon Etong sa totoong buhay o mas kilala bilang Ted Failon ay isang radio at television broadcast journalist. Kilala si Ted bilang mamamahayag sa radyo ng sarili niyang programa na Failon Ngayon sa Teleradyo at host naman sa telebisyon sa ABS-CBN sa panggabing programa ng pagbabalita na TV Patrol. Nagkaroon rin siya ng sarili niyang investigative program sa Kapamilya Network na Failon Ngayon.
Ipinamalas nga ng batikang broadcaster ang kanyang husay sa paghahatid ng balita sa publiko.
At sa loob ng 30 taong serbisyo sa Kapamilya Network, ay pinatunayan niya ang kanyang kakayahan bilang isang mapagkakatiwalaan at responsableng mamamahayag mapa-radyo man o telebisyon.
Ngunit, dahil nga sa pagsasara ng ABS-CBN, ay nagdesisyon si Ted na magpaalam na sa serbisyo matapos ang 30 taong pagiging Kapamilya broadcast journalist.
Ika-30 ng Agosto, araw ng Linggo nang inanunsyo at maglabas ng statement ang ABS-CBN hinggil sa pagbibitiw ng batikang broadcaster sa Kapamilya Network.
Nakasaad nga sa nasabing statement na ang hinahangaan ng publiko sa paghahatid ng balita na si Ted Failon ay lilisanin na ang ABS-CBN at huling beses nang mapapanood sa kanyang mga programa na “TV Patrol” at “Failon Ngayon sa Teleradyo” sa araw ng Lunes, Agosto 31.
“Multi-awarded broadcast journalist Ted Failon is leaving ABS-CBN after 30 years. He will make his final appearance on TV Patrol and Failon Ngayon sa TeleRadyo on August 31.”
Kaugnay nga ng paglisan ng batikang mamamahayag sa Network, ay ang pagpapatigil ng radio broadcast operation ng ABS-CBN. Bagama’t, nakakalungkot ang desisyong ito ni Ted, ay bukal sa loob na tinanggap ito ng Network at kanilang nirerepesto ang naging desisyon nito. Bagama’t, alam ng Kapamilya na malaki ang pagmamahal ni Ted sa larangan ng broadcasting, ay kanilang parin iginalang at sinuportahan ang naging desisyon ng broadcaster.
“The closure of ABS-CBN’s radio broadcast operations led to his painful decision and we respect it. We admire Ted’s talent, passion, and commitment to radio as his most effective medium in serving the Filipino people”.
Hindi naman maitatanggi na naging mabuting mamamahayag at napakasipag rin sa trabaho bilang broadcaster si Ted, kung kaya’t kahit sa huling araw nito sa Network, ay malaki pa rin ang paghanga ng Kapamilya rito. Sa kakayahan nga ni Ted sa pamamahayag, ay maraming Pilipino ang nakasagap at nabigyan ng kaalaman ng wastong pagbabalita.
Sa huli, pinasalamatan naman ng ABS-CBN ang 30 taong serbisyo ni Ted sa Network bilang Kapamilya Broadcast Journalist. Na ang tanging hangad ay ang makakabuti sa daang kanyang tatahakin.
“We thank Ted for his many years of dedication and service as a Kapamilya broadcast journalist. He will always be a Kapamilya. We wish him well on his journey.”
Source: Ptama
0 Comments