Silipin ang Buhay ng Komedyanteng si Jinky Oda ng Okay Ka, Fairy Ko Matapos Iwan ang Mundo ng Showbiz

Natatandaan niyo pa ang komedyanteng si Jinky Oda? Kung nasubaybayan niyo ang programang Okay Ka, Fairy Ko, tiyak na maaalala niyo siya dahil isa siya sa mga nagbigay kulay at saya sa programa. Nagsimula sa kanyang karera si Jinky bilang komedyante noong dekada 80 hanggang dekada 90, at ang Okay Ka, Fairy Ko, ang isa sa mga proyekto niya na tumatak sa publiko. Sa programa ito gumanap siya ng karakter bilang Bale kung saan nakasama niya ang mga mahuhusay na komedyante tulad na lamang ni Bossing Vic Sotto.




Photo credits: www.google.com

Maliban naman sa mga programang mapapanood sa telebisyon ay nagkaroon rin siya ng mga proyektong pelikula kabilang na nga rito ang Mara Clara The Movie, Una Ka Naging Akin, Humanap Ka Ng Pangit, at ang movie version ng Okay Ka, Fairy Ko. Talaga nga namang ipinamalas ni Jinky ang kanyang talento sa pag-arte at pagbibigay saya sa mga manonood.

Samantala, kapansin-pansin naman ang kakaibang kulay ni Jinky, ito nga ay dahil sa pagkakaroon niya ng lahing Black-American. Ang kanyang ama ay isang Black-American, samantalang ang ina niya naman ay isang Pilipino. Ngunit, simula ng isilang si Jinky ay hindi man lang niya nakilala at nasilayan ang kanyang ama. Ito nga ay dahil hindi nito tinanggap ang responsibilidad sa kanilang mag-ina, kaya naman, mag-isa siyang pinalaki ng kanyang ina. Hanggang sa magpasya nga siyang pasokin ang mundo ng showbiz.

Photo credits: www.google.com

Maliban naman sa pagiging artista ay naging endorser rin si Jinky. At noong 2008 nga ay inalok siya ng Glutamax bilang endorser ng kanilang produktong sabon na pampaputi dahil nga sa malaking pagbabago sa kanyang anyo. At hanggang sa ngayon ay endorser pa rin siya ng nasabing produkto.




“Actually, nagulat ako kung bakit ako ang pinili nila. Kakauwi ko lang from Australia noon at ang taba-taba ko. As usual, negra pa rin naman ako. Noong nilapitan ako para sa product na ito, hindi muna ako na-convince kasi hindi naman ako naniniwala na mag-iiba pa ang kulay ng balat ko. Pero sa naging paliwanag nila sa akin, sinubukan ko na rin”.

Hindi naman nagtagal ay nagpasya na si Jinky na lisanin ang kanyang karera sa showbiz. At matapos nga niyang lisanin ang industriya, ay nagdesisyon siyang magtungo sa California, USA upang doon manirahan kasama ang kanyang anak. Ang kanyang anak ay nakapagtapos ng military at siya naman ay nagtatrabaho bilang private nurse. Naging Activity Director rin siya sa isang home care facility sa nasabing bansa. Bagama’t, may pinagkakaabalahan na siya, ay hindi pa rin nawala ang hilig at talento niya sa pagpapatawa at isa nga sa mga raket niya ay pagiging stage performer.

Photo credits: www.google.com

Noong 2015 naman ay nakatanggap siya ng Certification of Completion from the Actors Guild of the Philippines na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram. Patunay lamang nito na hindi niya tuluyang iniwan ang pagmamahal sa larangan ng pag-arte.

At ngayon nga, ay masaya ng namumuhay ng tahimik si Jinky sa US.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jacque”jinky” Oda (@imvictorious4ever) on

Ngunit, sa kabila ng matagal na pagkawalay sa industriya ng showbiz, ay umaasa pa rin siyang muling makabalik sa larangan na kanyang minahal upang muling ipamalas ang kanyang angking talento sa pag-arte at pagbibigay saya sa mga manonood.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments