Silipin ang Napakagandang Bahay na Naipundar ng Aktres na si Erich Gonzales na Bunga ng kanyang Pagsusumikap

Sa murang edad na 14 taong gulang ay sumabak na si Erich Gonzales sa showbiz. Ito nga ay matapos niyang sumali sa reality talent competition na Star Circle Quest Season 2 noong 2005. Dahil nga sa pinagsamang magandang mukha at natatanging talento ay nagwagi si Erich sa nasabing kompetisyon.

Matapos nga magwagi sa Star Circle Quest ay unti-unti nang nakilala ang pangalan ni Erich. Ngunit, ang higit na nagdala sa kanya sa katanyagan ay ang teleseryeng “Katorse” kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte.




Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na namamayagpag ang karera ni Erich sa industriya ng showbiz. Kaya naman, hindi nakapagtataka na magmula noon hanggang ngayon ay marami nang naipundar si Erich na bunga ng kanyang pagsisikap. At ngayon nga, ay masaya niyang tinatamasa ang tamis ng tagumpay at maayos na buhay.

Isa nga sa naipundar ni Erich ay ang kanyang napakagandang bahay. At sa unang pagkakataon ay binuksan niya ang pinto ng kanyang tahanan upang masilayan ng publiko at ng kanyang mga tagahanga.

Sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, ibinahagi ng aktres ang ganda ng kanyang bahay na may simple ngunit eleganteng disenyo.

Masayang ipinakita ni Erich ang mga paborito niyang bahagi sa kanyang bahay katulad ng lanai na kung saan ay madalas nilang maging tambayan ng kanyang mga kaibigan sa tuwing bumibisita ang mga ito. Makikita naman sa living area ang kalinisan dahil na rin sa kulay at disenyong makikita rito.




Ipinagmalaki rin ni Erich ang kanyang garden kung saan matatagpuan ang mayayabong niyang mga tanim na gulay at bulaklak. Napakaganda at nakaka-relax rin ang hatid na tanawin ng mga luntiang halamang makikita rito.

Samantala, sa dining area naman ay makikita rin ang kalinisan at kaayusan ng bawat kagamitan. Sa garahe naman ay ipinakita ni Erich ang mga sasakyan na ginagamit ng kanyang pamilya, maging ang van na ginagamit niya sa kanyang trabaho.

Ayon naman kay Erich, sa edad na 22 taong gulang niya nabili ang loteng kinatitikiran ng naipundar niyang bahay. At mula nga sa naipon niyang pera sa trabaho bilang artista ay agad niya itong pinatayuan ng bahay.

“Nabili ko ‘yung lote when I was 22 years old. And then nag-ipon tayo. And then nu’ng 2014, nag-start na ‘yung construction ng bahay natin. And then same year also, nakalipat na tayo dito. And long story short, six years old na ang bahay natin,” ani Erich.

Ibinahagi rin ni Erich ang dahilan kung bakit mas piniling sa naturang lugar magpatayo ng bahay. At ito ay dahil sa nakakarelax at magandang tanawin na hatid nito. Ayon nga sa aktres, ay tila mas ramdam niya na malapit siya sa kalikasan dahil sa mga huni ng ibon at mga lumilipad na paro-paro sa kapaligiran.

Samantala, ang napakagandang bahay na ito na naipundar ni Erich ay bunga ng kanyang pagsusumikap sa kanyang trabaho bilang artista at endorser ng mga produkto. Kahanga-hanga na ang kanyang hirap at pagpupursige ay nagbunga na. At ngayon nga ay masaya niyang tinatamasa ang tamis ng tagumpay.




“Itong house na ‘to, product ito ng hard work natin and then ‘yung mga brands, mga products na nagtiwala sa atin.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments