Kilalanin ang mga Celebrity Athletes at Alamin ang kanilang mga Paboritong Sports

Bilang isang artista, mahalaga na magkaroon ng fit and healthy body dahil isa ito sa kanilang puhunan sa showbiz. Mahalaga rin na mapanatiling maganda ang hubog ng kanilang katawan hindi lamang para sa kanilang karera kundi para na rin sa kanilang kalusugan. Kaya naman, kahit abala sa kanilang trabaho ay naglalaan pa rin sila ng oras sa kanilang paboritong sports.




Kilalanin ang mga celebrity athletes sa showbiz at alamin kung ano ang kanilang paboritong sports.

Gabbi Garcia

Sa edad na 11 taong gulang ay hilig na talaga ng aktres na si Gabbi Garcia ang diving.

Photo credits: www.google.com

Mike Tan

Marami naman ang hindi nakakaalam na ang aktor na si Mike Tan ay isang mahusay na swimmer. Sa katunayan nga nito ay sumali pa ang aktor sa Caramoan 10K Swim Challenge noong 2016.

Photo credits: www.google.com

Glyza de Castro

Kitang-kita naman sa fit and sexy body ng aktres na si Glyza ang determinasyon upang mamaintain ang magandang hubog ng katawan. Ito nga ay resulta ng pagkahilig niya sa running, muay thai at cage fitness bilang kanyang work out.

Photo credits: www.google.com

Rocco Nacino

Hindi lamang ang angking kakisigan at gwapong mukha ang kahanga-hanga sa Kapuso Hunk na si Rocco Nacino kundi maging ang husay niya sa bilang multi-medalist Jiu-Jitsu athlete. Sa katunayan nga nito ay nagkamit siya ng gold medal noong 2017 sa Manila International Open 2017.

Photo credits: www.google.com




Jennylyn Mercado

Isa namang triathlete ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. Walang duda na talagang napakasexy ng kanyang katawan.

Photo credits: www.google.com

Bea Binene

Mula sa pagiging childstar ay kahanga-hanga na ang husay ni Bea sa pag-arte. Ngunit, mas higit na hahangaan ang kanyang galing sa sports na wushu. At sa edad na 10 taong gulang ay natuto na siya nito na kung saan ay itinanghal siya bilang Wushu Ambassador by the Wushu Federation of the Philippines.

Photo credits: www.google.com

Dingdong Dantes

Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay sa triathlete naman nahihilig na talagang makikita naman ang resulta sa makisig niyang katawan.

Photo credits: www.google.com

Matteo Guidicelli

Photo credits: www.google.com

Kilala naman ang aktor na si Matteo sa kanyang racing career. Ngunit, maliban dito ay sumasabak na rin siya sa triathlons.




Ashley Ortega

Ilang ulit namang nagkamit ng gold medal ang aktres na si Ashley Ortega sa skater competition. Tatlong gold medals lang naman at isang special award ang kanyang nakamit sa Summer Skate 2018.

Photo credits: www.google.com

Jinri Park

Sino ba naman ang hindi hahanga sa Korean seksi star na si Jinri? Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat ay mahusay sa sports na Jiujitsu si Jinri na kung saan ay isang gold medalist holder.

Photo credits: www.google.com

 


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments