The Voice Kids Season 2 Grand Winner na si Elha Nympha, Ginulat ang Lahat Matapos Mabunyag na Boyfriend na niya si Brian Gazmen

Unang nasilayan ang mahusay na singer si Elha Nympha sa “The Voice Kids Season 2” na kung saan ay ipinamalas ang kanyang natatanging galing sa pag-awit. Dahil nga, pinahanga ni Elha ang mga hurado at publiko sa kanyang talento, nasungkit niya ang titulo bilang Grand Winner ng nasabing singing competition noong 2015 sa edad na sampong taong gulang.




Wala na ngang nakapigil pa upang lalong ipamalas ni Elha ang kanyang talento sa pag-awit sa loob at labas ng bansa. Dito na nga tuluyang umarangkada ang singing career ni Elha na kung saan ay kaliwa’t kanan ang mga inaalok sa kanyang proyekto. At noong 2019, ay naging bahagi siya ng grupong J.E.Z kung saan nakasama niya sina kasama sina Janine Berdin at Zephanie Dimaranan.

Samantala, matatandaan na kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa biglaang pagpayat ni Elha. At ayon nga kay Elha, ay talagang pinaghirapan niya ang pagbabawas ng timbang na resulta umano ng kanyang “super diet” na sinabayan niya ng regular exercise.

At ngayon nga, marami na naman ang nagulat sa rebelasyon ng 16 taong gulang na singer, matapos mahayag na may boyfriend na siya. Ito nga ay matapos magpost ang Kapamilya Singer na si Brian Gazmen na girlfriend na nito sa Elha.

Araw ng Lunes, ika-17 ng Agosto nang proud na ibinahagi ng Kapamilya singer na si Brian Gazmen ang estado ng relasyon nila ni Elha. Makikita nga sa Instagram post ni Brian ang selfie photo ni Elha kasama ang ilang larawan na mula sa kanilang video call ngayong quarantine. Sa naturang post, tinawag ni Brian na “Love of my life” ang Grand Winner ng The Voice Kids season 2.




Mababakas naman sa post ni Brian ang labis na kaligayahan dahil siya ang napili ni Elha upang maging nobyo. At simula raw ng maging sila ay mas naging mabuting tao siya. Punong-puno naman ng pagmamahal ang laman ng mensahe ni Brian para sa kanyang kasintahan na si Elha na kung saan ay handa niya itong suportahan at palagi niyang bibigyan ng ngiti sa mga labi.

Narito ang mahaba ngunit napakasweet na mensahe ni Brian sa kanyang kasintahan na si Elha.

“Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend. ♥️ I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person. Although it’s quarantine and hanggang video call lang tayo, ok Lang sa akin yun, seeing you is enough for me already to make me smile. you are amazing baby. You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby ♥️♥️♥️ I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile ☺️”

Samantala, nagpost naman si Elha ng larawan kung saan makikitang suot nito ang damit ng kanyang nobyo at nilakipan ng caption na:

“used my man’s shirt UGGHHH.”




Sumagot naman si Brian na nagbigay ng isang sweet reply at sinabi:

Awwwwww I love you so much baby. You are the best.”

Bagama’t, hindi nagkikita ng personal dahil sa pandemya ay nag-uusap naman ang magkasintahan sa pamamagitan ng video call, bagay na nakatulong upang maibsan ang pagkamiss nila sa isa’t isa at nadaramang kalungkutan.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments