Throwback Photo: Imbes na Bulaklak, Isang Bungkos ng Pechay ang Binigay ni Philmar Alipayo sa Partner niyang si Andi Eigenmann

Tunay nga na walang makakapantay sa kaligayahang hatid ng isang tunay at wagas na pag-ibig. Pag-ibig na kontento sa kung anong kayang ibigay ng taong iniibig. Kay sarap naman talaga sa pakiramdam ang maranasan ang ganitong uri ng pag-ibig.




Ang pag-iibigang Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ay maihahalintulad nga sa ganitong uri ng pag-ibig. Dahil ang kanilang relasyon ay punong-puno ng pagmamahalan at kapanatagan sa isa’t isa. Si Andi ay iniwan ang marangyang buhay upang makasama si Philmar, samantalang si Philmar naman ay hindi binibigong mapaligaya si Andi kahit sa simpleng paraan lamang. Isa nga sa sikreto ng kanilang matatag na relasyon ay ang pagiging kontento sa isa’t isa.

Photo credits: Philmar Alipayo | Instagram

 

At kamakailan nga, muling pinahanga ng couple ang mga netizens matapos mag-post ng throwback photo si Philmar sa Instagram kung saan makikitang isang bungkos na pechay ang binigay nito kay Andi sa halip na bulaklak.

“Ato first pic! Remember I give you pichay instead of a flower. Mingaw nako sa imo mahal ko (Ang unang pic natin! Remember I gave you pechay instead of a flower. Miss na kita mahal ko”.

Photo credits: Philmar Alipayo | Instagram

Makikita nga sa larawan na masayang hawak ni Andi ang pechay kasama si Philmar. Ayon naman kay Philmar, ito ang unang larawang magkasama sila ni Andi.




Kasalukuyang nasa Metro Manila si Andi kasama ang anak nila ni Philmar na si Baby Lilo at panganay na anak ng aktres na si Ellie. Dahil nga, sa ipinatupad na lockdown sa Metro Manila ay hindi agad makakauwi ang mag-iina sa isla ng Siargao kaya naman, miss na miss na ni Philmar ang mga ito.

Photo credits: Philmar Alipayo | Instagram

Sa post nga na ibinahagi ng surfer, mababakas ang labis na pangungulila niya sa kanyang mag-iina at nais na niyang muling makita at makasama ang mga ito.

Photo credits: Philmar Alipayo | Instagram

Samantala, noong August 17, ay nagpaabot naman ng pagbati si Andi sa kanyang partner na si Philmar. Hindi rin naiwasan ng aktres ang maging emosyunal sa kanyang nakakaantig na mensahe para sa kanyang partner. At ang tanging hangad niya para dito ay ang matupad nilang magkasama ang mga pangarap nila sa buhay. Sa huli, ay sinabi rin ng aktres na sobrang namimiss na rin nila ng kanyang mga si Philmar at mahal na mahal rin niya ito.




“Malipajun na katauhan sa ako one and only mahal (Maligayang kaarawan sa aking one and only mahal)! I am so grateful to be living life to the fullest with you! I am truly lucky to have you as a partner, and as such an awesome dad to the kids!”

“I hope slowly achieving our dreams together will be a wonderful gift for you, especially because we are sad not to celebrate your day with you this year. Dili na kami makahoyat mobalik sa isla pohon para makaiban na kaw mahal (Hindi na kami makapaghintay na bumalik sa isla sa lalong madaling panahon para makasama ka na mahal)! We miss you sooo much, and we love you!”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments