Isang Ukay-ukay Online Seller, Hinangaan sa Social Media Matapos niya Ibahagi ang Naging Bunga ng Kanyang Sipag at Tiyaga

Sino ba naman ang hindi naghahangad na maging matagumpay at gumanda ang buhay? Bilang isang taong nakikipagsapalaran sa mundong ating ginagalawan, maliban sa mapunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ay nais rin nating maging maayos at magaan ang ating pamumuhay. Ngunit, hindi natin agad ito makakamit sa isang iglap lamang dahil kinakailangan nating magsumikap at pagtrabahuan ang buhay na ating inaasam.
Ika nga ng kasabihan, “kapag may tiyaga, may nilaga”. Patunay lamang nito na ang lahat ng paghihirap at sakripisyo natin sa buhay ay may naghihintay na gantimpala. At kapag nga, hindi sumuko at nagpatuloy sa pag-abot ng pangarap, tiyak na magbubunga at makakamtam ang tamis ng tagumpay.




Isang inspirasyon nga ang hatid ng isang ukay-ukay seller matapos niyang ibahagi ang nakakabilib niyang kwento ng tagumpay sa Facebook kung paano niya nagawang mapaayos ang kanilang dating tahanan sa isang mala-mansyon sa gandang bahay.

Photo credits: Eonni Kat Boutique | Facebook

Nakilala ang ukay-ukay online seller na ito bilang si Catherine Aman na labis-labis ang pasasalamat sa Panginoon dahil ang kanyang hirap, pagod at puyat sa pagtitinda ng mga ukay-ukay online ay nagbunga na. At kanya na ngang tinatamasa tamis ng tagumpay na bunga ng kanyang sipag at tiyaga.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Catherine bago tuluyang makamit ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon. Halos lahat nga ng hirap ay naranasan niya bilang isang online seller ngunit dahil sa pagnanais na maging matagumpay sa buhay ay hindi siya sumuko, bagkus ay nagpatuloy siya at nilakasan ang kanyang loob sa pagharap sa mga pagsubok.

At isa rin sa naging motivation ni Catherine upang magpatuloy sa pag-abot ng pangarap ay ang kanyang mga anak. Bukod sa matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, ay nais rin niyang magkaroon ng magandang buhay ang mga ito.

Photo credits: Eonni Kat Boutique | Facebook

Dahil nga sa kanyang sipag at tiyaga ay nagawa niyang ipaayos ang kanilang tahanan. Napakalayo na nga ng hitsura ng dati nilang tahanan sa bahay na masisilayan ngayon. Magmula sa exterior design hanggang sa interior design ay makikita ang malaking pagbabago. At ngayon nga, ay isa na itong napakagandang bahay na maihahalintulad ang ganda sa isang mansyon.




Ibinahagi niya sa kanyang facebook account:

Salamat Ukay Ukay. 😭🙏🏻❤️
Lord, salamat hindi ko alam kung bakit mo ‘to pinaparanas sakin, pero sobrang nagapapasalamat po ako dahil nagbunga na po lahat ng paghihirap namin. Salamat po sa binigay niyo saakin na kalakasan ng loob. Sobrang dami niyo sakin pinaranas pero ito pala ang plano mo. Maraming salamat Lord. Kaya pala pinaransan mo saakin dati ang buhay na walang wala para magsumikap ako. Salamat Lord kasi naging stepping stone ko ang pagtitinda ng ukay. Salamat kasi pinakilala mo sakin ang ukay ukay.
Mga panahong nauulanan ako, nagkakasakit ako sa kakahanap ng kalakal (retail days), sobrang hirap dati pero nagtiis ako nag tiyaga ako, naging motivation ko ang anak ko dahil mahirap ako at gusto ko masuportahan ang anak ko sa lahat ng pangangailangan niya. Sabi ko dati sa Diyos pang gatas lang sapat na. Pero sobra sobra naman ‘to. Kaya sobrang thankfuk ko talaga. Grabe naiiyak ako hanang tina-type ko ‘to. Pero yun nga, kung nasaan man kayong linya ng pagnenegosyo tandaan niyo na walang mahirap sa taong mahirap na nagsisikap. Wag kayo susuko, bangon lang, kilos lang, wag mawawalan ng pag asa kapit lang. Sa negosyo, hindi ka kikita kung hindi mo sisipagan at hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.
Pinakita ko ‘to sainyo hindi para magyabang, pinakita ko ‘to para maniwala kayo na walang imposible sa buhay, na pwede pala natin matupad ang mga pangarap natin basta magsikap lang tayo.
How I started: https://ift.tt/34rXqM3
“Respeto sa nauna, suporta sa kasabayan at tulungan ang baguhan”
To God be the glory. 🙏🏻❤️
– Catherine Aman
(Owner & Founder of Eonni Kat Boutique)

Photo credits: Eonni Kat Boutique | Facebook 

Photo credits: Eonni Kat Boutique | Facebook

Photo credits: Eonni Kat Boutique | Facebook




Photo credits: Eonni Kat Boutique | Facebook

Photo credits: Eonni Kat Boutique | Facebook

Hinikayat naman ni Catherine ang kapwa niya online seller na magpatuloy lang sa ginagawa at huwag sumuko dahil ang kasipagan at pagtyatyaga ay may naghihintay na gantimpala.

“Pero yun nga, kung nasaan man kayong linya ng pagnenegosyo tandaan niyo na walang mahirap sa taong mahirap na nagsisikap. Wag kayo susuko, bangon lang, kilos lang, wag mawawalan ng pag asa kapit lang. Sa negosyo, hindi ka kikita kung hindi mo sisipagan at hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.”

 

Sharing my UKAY UKAY JOURNEY. Eto yung buhay ko nung nakaraang dalawang taon. Walang patid na collection posting, twice…

Posted by Eonni Kat Boutique on Sunday, 23 February 2020

 


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments