Carlo Aquino, Ganap Nang Isang Ama! Girlfriend nitong si Trina Candaza, Isinilang na ang kanilang Napakacute na Baby

Wala ngang makakapantay na kaligayahan ang hatid ng isang pagiging magulang sa ating mga anak. Napakapalad ng mga taong biniyayaan ng anak, sapagkat may mga taong hindi nagkakaroon ng anak dahil sa mga hindi inaasahang dahilan. Kaya naman, ang mabiyayaan ng isang sanggol ay maituturing na biyaya mula sa Diyos.



Bukod nga, sa kaligayahan na hatid ng mga sanggol sa pamilya, sila rin ang nagsisilbing sentro ng pagmamahalan at kokompleto sa isang pamilya.

Photo credits: Carlo Aquino | Instagram 

Marami nga ang nagulat sa mga netizens, matapos magbahagi ang aktor na si Carlo Aquino ng isang larawan ng napakacute na baby sa Instagram. At ang caption sa post na ito ng aktor ay may napakalalim na kahulugan na hango sa lyrics ng kanta ni Rico Blanco na “Your Universe.” At sa nasabing post nga ay naka-tag pa ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

Photo credits: Carlo Aquino | Instagram

“You can thank your stars all you want but I’ll always be the one lucky one,”

caption ni Carlo sa kanyang post na mababakas ang labis na kaligayahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag) on

Dahil nga sa post na ito ng aktor, nalaman ng publiko na ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina ay isinilang na ngayong araw, ika-13 ng Setyembre, ang kanilang napakacute na baby na pinangalanan nilang Enola Mithi Aquino. Marami ang nagulat na si Carlo, ngayon nga ay isa nang ganap na ama sa kanyang napakacute na baby.
Marami naman sa malalapit na kaibigan ng aktor sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa pagdating ni Baby Enola sa buhay nila ng kanyang kasintahan.



Ang magandang balitang ito na parating sa kanilang buhay ay inilihim ng magkasintahan sa publiko, at ngayon nga ay marami ang natuwa sa biyayang dumating sa kanilang buhay. Matatandaan na naging pribado ang relasyon ni Carlo sa kanyang non-showbiz girlfriend. Bagama’t, makikita sa mga Instagram post ang kanilang madalas na pagsasama at pagiging sweet sa isa’t isa, ay walang nakakaalam na malapit na palang maging ganap na ama ang aktor.

Photo credits: Carlo Aquino | Instagram

Noong January 2019, nang magsimulang pag-usapan ng publiko ang relasyon nina Carlo at non-showbiz girlfried nito na si Trina, na isang modelo. Ito nga ay matapos magbahagi ang aktor sa kanyang Instagram ng sweet photo nilang dalawa. At pagsapit nga ng October, ay lakas loob na inamin ng aktor na siya nga ay in relationship sa kanyang napakagandang non-showbiz girlfriend na si Trina.

Matatandaan naman na nitong February lamang nang makapanayam si Carlo sa programang TWBA, kung saan ibinahagi niya na malaki ang nabago sa buhay niya magmula ng dumating sa buhay niya si Trina. At sinabi rin ng aktor na handa na siyang lumagay sa tahimik kasama ang kanyang mahal na kasintahan.

“Siyempre oo, oo kasi nasa tamang edad na ako e, 34 na ako e. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon. Nag iba ‘yung outlook sa buhay, mas magaan, mas happy, wala naman siguro sa tagal ‘yun. Ummh, oo, final answer.”

Welcome Baby Enola Mithi! Congratulations Carlo and Trina!


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments