Kung couple goals lang din ang pag-uusapan, nangunguna nga riyan ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig. Maliban nga sa kanilang kahanga-hangang pagmamahal sa isa’t isa, ay kahanga-hanga rin ang mga nais nilang aboting pangarap sa buhay. At ang bawat pangarap ngang ito ay matagumpay nilang nakakamit ng magkasama sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagsuporta sa isa’t isa.
Ang asawa nga ni Chito na si Neri, ay kilala bilang isang matagumpay na negosyante na kung saan ay nagmamay-ari ng iba’t ibang klase ng negosyo. Kahanga-hanga nga na sa bawat pangarap ni Neri, ay sinusuportahan ito ni Chito hanggang sa makamit ito.
Kaya naman, proud na proud si Chito sa kanyang maybahay na talaga namang makikita ang sipag at tiyaga sa pagnenegosyo. At ang tamang paghawak ng pera at paglaan sa mga importanteng bagay lang ang kanilang isinasaisip.
Naitampok na nga sa vlog na mapapanood sa Youtube Channel ni Chito ang ilan sa kanilang mga negosyo. At ngayon nga, ay may bago na namang negosyo ang mag-asawa. Ito nga ang kanilang Rest House na pinangalanan nilang Miranda Rest House na matatagpuan sa Alfonso, Cavite.
Sa vlog ni Chito noong January 27, 2020, pitong buwan na ang nakakalipas nang ibinahagi niya ang kanilang pagbisita sa kanilang rest house na noon ay kasalukuyang pinapagawa at hindi pa natatapos dahil sa trahedyang dulot ng pagputok ng Bulkang Taal kaya natigil ang pagpapagawa nito.
Sa pagbisita ng mag-asawa sa kanilang rest house, sa daan pa lamang ay proud na ipinakita ni Chito ang ilan sa mga negosyong pagmamay-ari ni Neri katulad na lamang ng Neri’s Ukayan at Neri’s Bakeshop.
Ayon naman kay Chito, ang proyekto nga nilang rest house na ito ay si Neri ang nakaisip, at nais bumili ng lupa upang gawing resthouse. Dahil nga may kakayahan na si Neri sa pamamahala ng mga negosyo, at nakita naman ni Chito na talagang marunong humawak at naging matagumpay si Neri, hindi na nagdalawang isip pa si Chito na makibakas sa bago nilang negosyo. At ang Miranda Rest House nga, ang kauna-unahang negosyo na 50/50 ang hatian nila sa gastos at ilalabas na pera. Ito nga first ever joint project nila bilang mag-asawa.
Ibinahagi rin ni Chito na may kanya-kanya silang negosyo upang hindi magulo ang set-up ng kanilang pamamahala. Dagdag pa ni Chito, ay may kanya-kanya rin silang pera kahit pa sila’y mag-asawa. Ang perang kinikita ni Neri, ay hindi rin umano pinapakialaman ni Chito. Ngunit, ang pera niya ay ibinibigay niya rito para sa kanilang pamilya.
Tawag nga ni Chito sa theory na ito, “Her money is her money, my money is our money.”
Samantala, pagsapit naman sa rest house kahit under construction pa ito, ay makikita na agad ang taglay na kagandahan nito. Bukod nga sa swimming pool, ay may basketball court sa parking area, may tree house, playground, picnic tables, firepit at may malawak na pavilion ang rest house na ito.
Ayon sa mga updates, at Instagram post ni Chito at Neri ay malapit na nga itong matapos at handa nang maging bahay bakasyunan ng mga nagnanais mag-relax at mag-enjoy sa kanilang bakasyon.
Tunay nga na kapag may tiyaga, may nilaga. Samahan pa ito ng partner na mapagmahal at very supportive sa isa’t isa. Isa na namang patunay na wais na misis si Neri, at wais na mister si Chito sa bago nilang negosyo na ito. Tunay na napakaganda ng kanilang financial arrangement na kung saan ay pinag-iisapang mabuti ang mga bagay na papasukin.
Source: Ptama
0 Comments