‘Hindi ako nahihiya’: Nadine Samonte, Proud na Ibinahagi ang Pagtitinda niya ng Dried Fish Bilang Hanapbuhay

Diskarte at kasipagan ang tunay na kailangan sa panahon ng krisis upang makaraos sa pang-araw-araw na pangangailangan. At ang nararanasan nating krisis ngayon sa gitna ng pandemya ang nagturo sa ating lahat upang maging madiskarte sa buhay.

Dahil nga, halos lahat ng sangay ng insdustriya ay apektado, kabilang na nga riyan ang entertainment industry, ay marami ang nawalan ng trabaho at kita upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.




Kaya naman, marami sa mga artista sa showbiz ang naghanap ng alternatibong mapagkakakitaan na kanilang magiging hanapbuhay. Marami na nga, ay nagbahagi ng kanilang karanasan kung paano nila hinaharap ang hamon ng buhay na nararanasan ngayon. At ilan nga sa kanila ay pinasok ang online selling upang magbenta ng kung ano-anung produkto online.

At ngayon nga, ay kabilang na rin sa listahan ng mga artistang online seller, ang StarStruck Avengers na si Nadine Samonte. At nito lamang September 10, ay proud na ibinahagi ng aktres na maliban sa pagtitinda niya ng mga beauty products ay nagtitinda na rin siya ng dried fish tulad ng danggit at dilis.

Sa isang Instagram post ni Nadine, idinetalye nya na madalas nilang kainin sa kanilang tahanan ang mga dried fish at ang danggit at dilis raw ang paboritong kainin ng kanyang anak na si Heather. Kaya naman, nagbenta na rin siya upang maging alternatibong hanapbuhay sa gitna ng pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte) on

Dahil nga galing Masbate ang mga tindang dried fish ay napakasarap ang lasa nito at unsalted lahat ito. Kaya naman, palaging sold out ang kanyang mga paninda. Ilan nga sa kanyang masarap at malinamnam na paninda ay Danggit, sweet Pusit, Palad Flakes, Big dilis boneless at Small dilis.

Hindi naman ikinakahiya ni Nadine ang kanyang negosyo lalo na’t nasa panahon ng krisis ang karamihan. Proud pa nga ang aktres dahil ang pagtitinda niya ng dried fish ay malaking tulong para sa kanilang pamilya. Ayon nga sa aktres, ay mahalaga na maging madiskarte sa panahon ng krisis.

“Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap talaga. Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and dilis hahaha.”




Samantala, hinangaan naman ng mga netizens ang pagiging madiskarte ni Nadine dahil wala itong kaarte-arte sa pagtitinda ng dried fish na talaga namang makikita ang kasipagan ng aktres pagdating sa negosyo. Ang ilan pa nga sa mga netizens ay nais maging reseller ng masarap niyang mga panindang dried fish.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte) on


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments