Shara Chavez, Pinahanga ang mga Netizens sa Kanyang Trasformation Matapos ang kanilang Break Up ng Singer na si Jovit Baldivino

Ang babae nga kapag nasaktan at nabigo sa pag-ibig sa halip na magmukmok at damhin ang kalungkutan ay mas nagkakaroon sila ng lakas ng loob na patunayan ang kanilang sarili. Karamihan nga sa mga babaeng nabigo sa pag-ibig ay nagkakaroon ng kahanga-hangang transformation kung saan ay mas lalo pa silang gumaganda at nagiging blooming.

Patunay lamang nito na sa kabila ng sakit na kanilang naranasan ay mas nanaig pa rin ang pagmamahal nila sa kanilang sarili at pagtuunan ng pansin ang sarili kaysa sa taong binabalewala sila at hindi karapat-dapat ng kanilang oras at pagmamahal.



Isang inspirasyon nga ang hatid sa mga kababaihan ni Shara Chavez, ang ex-girlfriend ng singer na si Jovit Baldivino. Ito nga ay dahil matapos makipag-break sa dating nobyo, ay pinatunayan niyang kaya niyang maging matatag at maging masaya sa buhay kahit wala ito. Ang mas kahanga-hanga pa ay ang malaki nitong pagbabago na talaga namang lalong gumanda at naging blooming.
Matatandaan na nagkahiwalay si Shara at Jovit, dalawang taon na ang nakakalipas.

Photo credits: sharachavez | Instagram     

Ito nga ay matapos ibunyag ni Shara na ang dating nobyo ay may kasamang babae sa isang live video, at ang naging ibidensya ni Shara ay isang screen shot na kanyang ibinahagi sa social media, dahilan upang pag-usapan sila ng publiko. Maliban dito, ay ibinunyag rin ni Shara ang tunay na ugali ng dating karelasyon at kung paano silang mag-ina tratuhin nito.

Photo credits: sharachavez | Instagram

Sa kabila nga ng kasikatan at kakayahang pinansyal ni Jovit na kayang ibigay nito sa kanilang anak, hindi nagdalawang isip si Shara na maging single mom at tuluyan na ngang hiniwalayan ang dating nobyo. Dagdag pa nga rito ang sakit at sama ng loob na ibinibigay ni Jovit sa kanya, ay mas lalo lamang naging buo ang kanyang pasya. Bagama’t, hindi madali ang mga pinagdaanan ni Shara, ay naging matatag siya sa kinakaharap na pagsubok.

Photo credits: sharachavez | Instagram

Pinatunayan nga niya sa sarili na kaya niyang mabuhay ng wala ang dating nobyo. Sa halip nga na magmukmok sa sinapit na kabiguan at mas pinagbuti niya ang sarili kung saan ay makikita ang malaking pagbabago sa kanyang sarili ngayon.



Photo credits: sharachavez | Instagram

Kung noon, ay ikinukumpara siya sa aktres na si Judy Ann Santos sa taglay na kagandahan, ngayon nga, kahit may anak na ay tila dalagang-dalaga ang dating dahil ang aktres na si Kathryn Bernardo na kanyang kahawig na talagang fresh na fresh at blooming ang dating.

Photo credits: sharachavez | Instagram

Ngayon nga, makikita sa mga larawang ibinabahagi ni Shara sa social media, na tila hindi ito dumaan sa kabiguan dahil sa kanyang awra na talagang napakaganda. Tila nga, makalipas ang dalawang taon ay naka-move na siya sa dating nobyo. At ayon pa sa ilang source, masaya na umano si Shara sa bago nitong pag-ibig na kung saan ay engaged na rin ito. Samantala, ang dating karelasyon naman nitong si Jovit ay nananatiling singer ng ABS-CBN.

Photo credits: sharachavez | Instagram

Tunay nga na sa kabila ng kabiguan ay may tamang taong nakalaan ang tadhana na tunay na magmamahal at magbibigay ng tunay na kaligayahan. Isa ngang inspirasyon ang hatid ni Shara sa mga kababaihan na nabigo sa pag-ibig. Kahanga-hanga naman talagang naging matapang siya pagharap ng hamon sa buhay na kung saan ay mas pinagbuti at minahal ang sarili.



Photo credits: sharachavez | Instagram

Bagama’t, masaya na sa kanilang mga sariling buhay sina Shara at Jovit, hindi parin maitatanggi na may nakaatang na responsibilad sa kanilang mga balikat na mapalaki ng maayos ang kanilang anak at magkaroon ito ng tamang gabay ng mga magulang sa abot ng kanilang makakaya.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments