Kilalanin si Baby Rosie ang Napakacute na Anak ng Aktres at Dancer na si Regine Tolentino

Sino nga ba naman ang hindi mahahawa sa ngiti ng mga cute na sanggol? Ang kanilang mga maaamong mukha na tila anghel ay kaygandang pagmasdan na nakakapagpagaan ng ating kalooban. At pag-inilabas nga nila ang kanilang mga munting ngiti ay tiyak na mapapangiti ka rin sa kanilang kacutan.




Tulad na lamang ng pangatlong anak ng aktres at dancer na si Regine Tolentino na si Baby Rosie na talaga namang napakacute. Panigurado rin na magiging maganda ang araw mo kapag nasilayan ang maamo niyang mukha.

Photo credits: reginetolentino | Instagram

Dahil nga, proud mommy ang 39 taong gulang na aktres sa kanyang 3rd baby na si Baby Rosie, ginawan niya pa ito ng sariling Instagram page kung saan niya ibinabahagi ang mga cute photos at videos ng anak.

Photo credits: reginetolentino | Instagram

Photo credits: reginetolentino | Instagram

Makikita na laging naka OOTD si Baby Rosie sa kanyang mga magagandang damit na mas lalong nagpalutang ng kanyang kacutan. Madalas ring makita ang pagsusuot ng twinning ni Mommy Regine at Baby Rosie sa mga Instagram post ng aktres. Maging ang kanilang bonding moments ay ibinabahagi rin ni Mommy Regine.

Photo credits: reginetolentino | Instagram




Photo credits: reginetolentino | Instagram

Makikita nga na sa pangatlong pagkakataon ng pagkakaroon ng baby ni Regine ay na-eenjoy na ito. At dahil nga nasa quarantine parin, ay madalas magkasama ang mag-ina na kung saan ay mas marami silang oras mag-bonding sa loob ng kanilang tahanan. Makikita naman na mas lalong naging makulay ang buhay ni Regine sa panibagong journey niyang ito kapiling si Baby Rosie.

Photo credits: reginetolentino | Instagram

Photo credits: reginetolentino | Instagram

Samantala, marami ang nagulat noong March 17, sa gitna ng pandemya, matapos magpost si Regine na siya ay nanganak na sa kanyang 3rd baby via cesarean section ng isang napakacute na baby girl na pinangalanan niyang Rosie Rignee. Matapos nga ang halos 18 taon ay muling nagsilang si Regine ng isang napakacute na baby, at karamihan sa mga artista sa showbiz ay ikinagulat ito.

Photo credits: reginetolentino | Instagram




Matatandaan naman na ikinasal si Regine noong 1997 sa dati nitong asawang si Lander Vera Perez at nagkaroon ng dalawang babaeng anak na sina Azucena Reigne at Alyssandra Reigen. Ilang ulit na naghiwalay si Regine at Lander pero nagkabalikan rin. Ngunit, taong 2016 ay tuluyan na nilang tinapos ang kanilang relasyon mataoos ang 18 na taong pagsasama bilang mag-asawa.
At ngayon nga, ay nakatagpo ng bagong pag-ibig si Regine sa kanyang non-showbiz boyfriend na ama ni Baby Rosie.

Photo credits: reginetolentino | Instagram

Ngunit, naging pribado ang buhay ng aktres pagdating sa kanyang love life ngayon at hindi nagbibigay ng iba pang detalye patungkol sa katauhan ng kanyang non-showbiz boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Regine Tolentino Maristela (@reginetolentino) on


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments