Kilalang-kilala ng publiko ang teen star na si Francine Diaz lalo na ng mga millenial na tulad niya. Magmula nga ng gumanap bilang Cassandra Mondragon o Cassie sa teleserye ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto” ay mas lalo pang nakilala ng publiko ang batang aktres. Hindi naman maitatanggi na ang kanyang angking talento sa pag-arte ang nagdala sa kanya sa tagumpay.
Ngunit, bago pa man makamit ni Francine ang tagumpay at magandang buhay na tinatamasa niya ngayon, ay dumaan muna siya sa maraming pagsubok. Ibinahagi nga ng aktres ang mga pagsubok na kanyang naranasan sa buhay bago maging isang sikat na artista.
Ayon nga kay Francine, sa hirap ng buhay nila noon, ay naranasan nila ng kanyang pamilya ang mapalayas sa inuupahang bahay dahil wala umano silang pambayad sa buwanang renta.
Hindi lamang ito ang pagsubok na naranasan ng teen star, dahil nabaon rin sila sa pagkakautang na kung saan ay palaging napuputulan ng tubig at kuryente dahil hindi makabayad.
“Nalubog kami nu’n sa utang. Palagi kami napuputulan ng kuryente, ng tubig. Tapos nakailang lipat din po kami ng bahay kasi napapalayas kami. Pero hindi naman po ‘yung pinalalayas na pinalalabas kami bigla ng bahay. Kumbaga, pinapaalis kami kasi hindi na talaga kayang bayaran ‘yung renta”
Maging ang pag-aaral ng aktres ay apektado rin ng nararanasang hirap. Ayon nga kay Francine, noong nag-aaral umano siya ng highschool ay wala siyang ginagamit na libro dahil nga walang pambili ang kanyang mga magulang.
Dahil nga, sa kahirapan ng buhay at sunod-sunod na pagsubok na dumating sa buhay ni Francine, ay naglakas loob siyang magtrabaho sa kabila ng mura niyang edad. At ang pag-aartista ang naisipang pasokin ni Francine, dahil ang maging isang sikat na artista ang talagang pinapangarap niya sa buhay.
“Nu’ng mga time na ‘yun nasa isip ko kailangan ko ng trabaho, kailangan kong matulungan sina mama. Dati ko pa po talaga gusto mag-artista”
At nagsimula nga ang karera ng aktres sa showbiz bilang extra sa isang TV commercial ng AVP para sa isang kompanya ng kotse. Samantala, masayang-masaya naman si Francine dahil sa unang pagkakataon ay nabili niya ang nais para sa sarili mula sa kanyang sahod.
May mensahe naman ang aktres para pitong taong gulang na sarili na ienjoy lamang ang buhay habang bata pa. Ito nga ang pinanghugutan ng aktres sa buhay upang matupad ang kanyang mga pangarap.
“Dear seven-year-old Francine, i-enjoy mo lang ang pagkabata mo. I am very proud of you dahil alam kong ganyan palang ang age mo, alom kong nagta-try ka talaga na maging better sa mga bagay na hindi ka magaling.”
Source: Ptama
0 Comments