Pagsapit ng buwan ng Setyembre ay damang-dama na nga natin ang malamig na simoy ng hangin. Nangangahulugan nga ito ng nalalapit na ang pagsapit ng araw ng pasko. At sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay espesyal ang ating ginagawang pagdiriwang. Maliban nga sa makukulay na Christmas decor at Christmas lights na makikita sa ating mga tahanan, ay hilig rin nating sabayan ng pagpapatugtog ng mga Christmas songs ang nalalapit na araw ng pasko.
Sa bawat awitin ngang maririnig natin saan mang dako, ay kilalang-kilala ang mga magagandang awiting pampasko ng singer-songwriter na si Jose Mari Chan na talaga namang mapapasabay ka sa kanyang pag-awit.
Hindi nga nagpahuling sumabay sa saliw ng musika ang anak ng celebrity doctor na sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo sa awitin ni Jose Mari Chan. At ang napakacute na si Scarlet ay nakipag-duet pa kay Jose Mari Chan na talaga namang ipinakita ang angking husay at talento sa pag-awit sa kantang “Christmas in Our Hearts”.
Noong Setyembre 10, sa facebook live ng programang “Tim Yap Live” nasaksihan ng marami ang kahanga-hangang duet ni Jose Mari Chan at ni Scarlet. Sa edad nga ni Scarlet na limang taong gulang, ngayon pa lang ay nakikita na ang talento nito sa pag-awit.
Ayon naman sa celebrity doctor, ay paborito na ni Scarlet ang kantang “Christmas in Our Hearts” magmula noong 2 taong gulang pa lamang ito. Kaya naman, walang duda na kabisadong-kabisado na nga ni Scarlet ang bawat lyrics at tono ng kanta.
Samantala, proud namang ibinahagi ni Dr. Vicki Belo sa kanyang Instagram ang kuha ng video ng duet ng singer at ng kanyang anak na si Scarlet. Ang kahanga-hangang performance ng dalawa ay labis na hinangaan ng mga netizens, lalo na ang cute na si Scarlet sa ipinamalas niyang talento.
Ang kantang “Christmas in Our Hearts” ay ini-release ni Jose Mari Chan noong 1990 bilang bahagi ng kanyang kauna-unahang Christmas album.
View this post on Instagram
Sa isang panayam naman, ay ibinahagi ng singer-singwriter na si Jose Mari Chan na ang kantang “Christmas in Our Hearts” ay biyayang nagmula sa Diyos. Na hanggang ngayon nga, ay sikat-na sikat at paboritong kantahin ng mga Pinoy tuwing kapaskuhan. At hanggang sa pagdating ng mahabang panahon kahit wala na umano siya, ang kanyang hit na hit na kanta ay patuloy na aawitin at mamahalin ng ating mga kababayan tuwing pasko.
“It’s like a crowning glory that after all these years of being a singer-songwriter, our Lord gave me that gift. It’s an enduring gift, endearing gift. [It’s my hope] that the song will outlive me, that long after I’m gone, the song will still be sung and appreciated and loved by our countrymen.”
Source: Ptama
0 Comments