‘Flexing my wife’: Chito Miranda, Proud sa kanyang Asawang Si Neri Naig, Matapos Nitong Makapagpundar ng Condo Unit Mula sa Sarili nitong Pera

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang magkaroon ng katuwang sa buhay na handang sumuporta at magiging kasama sa pag-abot ng mga pangarap.

Katulad na lamang ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig na ilang ulit ng pinatunayan ang pagmamahal sa isa’t isa na kung saan ay hindi nagsasawang suportahan ang pangarap ng bawat isa.



At kamakailan nga, ay muli na namang ipinagmalaki ng ‘Parokya ni Edgar’ frontman na si Chito ang kanyang asawang si Neri. Ito nga ay matapos makapagpundar ni Neri ng isang condo unit mula sa kanyang sariling pera na bunga ng kanyang kasipagan at tiyaga sa pagnenegosyo. Ilang ulit na nga tayong pinabilib ni Neri sa pagiging masipag at madiskarteng misis niya. At ngayon nga, ay may bago na namang achievement na nakamit si Neri na mula sa kanyang sipag at tiyaga.

“Ang yabang talaga nitong babae na ‘to,” ito ang mga katagang nasambit ni Chito patungkol kay Neri, matapos nitong ibinahagi sa Instagram ang bagong biling condo unit. Hindi na nga napigilan pa si Chito na ilahad kung gaano siya ka proud sa kanyang asawa sa bagong achievement na nakamit nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Ayon naman kay Chito, hindi ang mismong condo unit ang ipinagmamalaki ng asawa niyang si Neri. Dahil, ang condo umano ay ang pinakamurang unit sa building kung kaya’t hindi ito dapat ipagmayabang. Kundi kung paano nito nabili ang condo gamit ang sarili nitong pera na bunga ng kasipagan ng kanyang maybahay sa pagnenegosyo. Ito nga ang dahilan kung bakit proud na proud siya sa kanyang asawa.



“Ang pinagmamalaki ni Neri ay ‘yung fact na nabili nya ‘yan on her own, using her own money, mula sa mga naipon nya from her small businesses na pinaghirapan nyang itaguyod from scratch. Now THAT is something to be proud of,” saad ni Chito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Saad pa ni Chito, ay mas marami umano ang naiinspire ng kanyang asawa kung kaya’t marami rin ang natutuwa rito kaysa sa nayayabangan. Ayon pa kay Chito, ay hindi lamang nagsisilbing inspirasyon si Neri kundi ay nakakatulong rin upang magbigay ng oportunidad sa maraming tao upang kumita ng pera at matupad rin ang mga pangarap ng mga ito sa buhay.

“More importantly, they are inspired because alam nila na kaya din nilang gawin ‘yung ginagawa ni Neri as long as they work hard, and focus all their energy in pursuing their goals. Pero ang higit sa lahat, she tries her best to share her blessings, not just by inspiring other to do the same, but also by spreading out opportunities to earn. She genuinely wants everyone to succeed.”

Samantala, sa huli naman ay sinabi ni Chito na siya talaga ang mayabang, dahil ipinagmamalaki niya na mayroon siyang asawang gaya ni Neri.

“Me, on the other hand, is simply mayabang…and this is me blatantly flexing my wife.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Matatandaan naman na isinakatuparan ni Neri na mabili ang matagal nang pinapangarap na lupain ni Chito. Tunay nga na kapag kasama ang taong mahal mo sa pag-abot ng mga pangarap ay walang anumang bagay ang magiging hadlang, dahil kahit gaano pa kahirap ang daan patungo sa tagumpay, ay malalampasan ito ng magkasama.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments