PBB Otso Big Winner Na si Yamyam Gucong, Ipinasilip ang Simple Ngunit Masayang Pamumuhay sa Probinsya

Marami ang pinahanga ni Yamyam sa Bahay ni Kuya sa kanyang pagiging masayahin at pagiging totoo sa sarili. Kaya naman, hindi nakapagtataka na nasungkit niya ang titulo bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Otso noong January 6, 2019.

Matapos ngang mahirang bilang Big Winner, ay umarangkada na ang karera ni Yamyam sa showbiz kung saan bumuhos ang kanyang mga proyekto. Nagkaroon na rin si Yamyam ng sarili niyang bakeshop business sa Bohol na naipundar niya mula sa kanyang premyo sa PBB. Malaki nga ang nabago sa buhay ni Yamyam magmula ng magwagi siya sa talent reality competition na kanyang nilahokan.




Ngunit, sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ng Big Winner, nananatili pa rin ang kanyang pagiging simple sa buhay. At bilang laki sa hirap ay hindi nakakalimutan ni Yamyam ang buhay na kanyang pinagmulan.

Kamakailan nga, ay masaya niyang ibinahagi sa kanyang latest vlog ang simpleng pamumuhay sa probinsya. Ngayon nga, ay harvest season na ng mga mani at mais, at sa vlog nga ni Yamyam, ay tampok ang pag-aani nila ng mani at mais sa kanilang bukirin.

Photo credits: Yam Yam Gucong | Youtube Channel

Photo credits: Yam Yam Gucong | Youtube Channel

Photo credits: Yam Yam Gucong | Youtube Channel

Una ngang ipinakita ni Yamyam ang paraan kung paano mag-harvest ng mais. Makikita naman sa video ang nakakaaliw na pagdedetalye ni Yamyam ng mga bagay-bagay sa kanyang mga followers.




Photo credits: Yam Yam Gucong | Youtube Channel

Samantala, ibinahagi rin ni Yamyam sa kanyang vlog kung paano ginagawa ang “corn rice” gamit lamang ang makinang de kamay. Isa nga itong patunay na kahit may bagong pamamaraan na, ay nananatili pa rin ang kanilang payak na pamumuhay sa probinsya, lalo na sa pag-aani ng kanilang mga pananim sa bukid.

Photo credits: Yam Yam Gucong | Youtube Channel

Samantala, sa gitna ng vlog ni Yamyam, ay ibinahagi niya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid upang magsaka, sa kabila ng kakayahan ni Yamyam na ibigay ang pinansyal na pangangailangan ng kanyang pamilya.

Photo credits: Yam Yam Gucong | Youtube Channel

Ayon nga kay Yamyam, ay nakasanayan na umano ng kanyang ama ang magsaka mula noong kabataan nito hanggang sa nakapag-asawa. Kung kaya’t, nanghihina umano ito kapag hindi nakakapagtrabaho sa bukid.

“‘Yung mga matatanda kasi, parang manghihina sila kapag hindi sila nakapagtrabaho sa bukid. Kaya siyempre ‘yung Papa ko patuloy pa rin siya sa pagbubukid kasi kinakahiligan niya rin kasing gawin eh. Parang parte na ng buhay niya ‘yun. Kasi mula kabataan niya hanggang sa nagka-asawa siya, magbubukid pa rin siya.”

Photo credits: Yam Yam Gucong | Youtube Channel

At bilang respeto nga sa nais gawin ng kanyang ama, ay hinayaan na lamang ito ni Yamyam kahit na naaawa umano siya rito. Maganda rin umano ito para sa kalusugan ng kanyang ama dahil nakakapag-ehersisyo ito habang nasa bukid.

“Siyempre naawa ako sa Papa ko kasi matanda na, magbubukid pa. Ayaw magpapigil eh kasi siyempre nirerespeto ko siya kasi parte na rin ‘yan ng buhay niya. At the same time, siguro nakakatulong pa ako sa health niya kasi siyempre parang nag-eexercise ka na din ‘pag nagsasaka ka.”


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments