Coleen Garcia, Isinilang na ang kanyang Napakacute na Anak na Pinangalanang nilang Amari

Isa nga sa pinakainaabangang celebrity mom to be sa showbiz na manganganak sa gitna ng pandemya, ay ang may mala-dyosang kagandahan na aktres na si Coleen Garcia. Marami nga ang excited nang masilayan ang paglabas ng anak ni Coleen.

Matatandaan na noong nakaraang araw ay bali-balita na ang anumang oras na panganganak ng aktres sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Billy Crawford. At ang plano nga ng aktres ay manganak sa loob ng kanilang tahanan bilang pag-iingat sa kumakalat na sakit sa pamamagitan ng “water birth delivery”.

At ngayon nga araw ng Huwebes, ika-10 ng Setyembre, ay marami ang nabigyan ng kaligayahan dahil ang pinakahihintay na pagsilang ni Coleen sa kanyang napakacute na anak ay naganap na sa ganap na 6:33 ng umaga sa kanilang tahanan.




Wala ngang kapantay na kaligayahan ang naramdaman ni Coleen bilang first time mom, matapos niyang magsilang ng ligtas sa kanilang panganay ni Billy na isang napakacute na baby boy.
Sa Instagram nga ng aktres, ay masaya niyang ibinalita ang kanyang safe delivery sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng “water birth delivery.” Ito nga ang napiling paraan ng mag-asawa sa pagsilang ni Coleen sa kanilang panganay. At sa tulong nga ng widwife at assistant nito ay matagumpay na nailabas ni Coleen ang napakacute na sanggol na pinangalanan nilang “Amari”. Labis rin ang pasasalamat ng aktres sa Diyos dahil naging ligtas silang mag-ina.

“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari ❤,”

caption ng aktres sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on

Samantala, makikita sa mga larawang ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram, na bagama’t hirap sa panganaganak ay nakaalalay sa kanya ang asawang si Billy na talagang makikita ang labis na pagmamahal sa kanilang mag-ina.

Matapos ngang masilayan ni Coleen ang bagong silang niyang anak ay mababakas naman ang labis na kaligayahan sa kanyang mukha na tila napawi ang kanyang hirap at pagod sa panganganak kay Baby Amari. Maging si Daddy Billy, ay agad ring kinarga ang napakacute nilang anak.




Samantala, sa Instagram stories ni Coleen ay ibinahagi niya na naglabor siya ng mahigit na apat na oras bago tuluyang mailuwal si Baby Amari. At dagdag na isang oras naman para sa placenta ni baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

Matatandaan naman na noong Mayo 1 ay masayang ibinahagi sa Instagram ng mag-asawang Coleen at Billy ang pagbubuntis ni Coleen na noon ay limang buwang buntis na. At noong nakaraang Hulyo 10 naman, ay nagkaroon sila ng online gender reveal party kung saan ay nabunyag nga na isang baby boy ang dinadala sa sinapupunan ng aktres.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments