Silipin ang Malaking Pagbabago sa Buhay Ngayon ni Badjao Girl na si Rita Gaviola

Tunay nga na sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari sa ating buhay.




Kagaya na lamang ng isang babaeng badjao na nabago ang buhay matapos makunan ng larawan. Kung natatandaan niyo pa ang nag-viral noong badjao, na nakunan ng larawan habang nanlilimos sa Hiyas Festival sa Lucban, Quezon, siya nga ang tinaguriang Badjao Girl. Dahil nga sa isang candid shot ay nasilayan ang natural na kagandahan ng isang babae na pumukaw ng atensyon ng mga netizens.

Photo credits: Rita Gabiola | Instagram    

Nakilala nga ang napakagandang dilag na ito, bilang si Rita Gaviola. At matapos mag-viral ay hindi akalain ni Rita na ito pala ang magiging daan upang mabago ang buhay niya at matupad ang kanyang mga pangarap.

Photo credits: Rita Gabiola | Instagram

Bilang isang badjao, ay alam naman natin kung gaano kahirap ang buhay nila, at tulad nga ni Badjao Girl, ang panlilimos ay malaking tulong na sa kanilang pamilya upang maitawid ang pagkain nila sa maghapon.

Kung dati ay hirap pang makain ng isang beses sa isang araw silang magkakapatid dahil sa kahirapan ng buhay at tanging sa panlilimos lamang umaasa, ngayon nga ay sapat na at masaya na ang kanilang pamilyang makain ng 3 beses sa isang araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola) on

Magmula nga ng makunan ng larawan at mag-viral sa social media ay malaki ang nabago sa buhay niya. Nagawa rin niyang makapasok sa Bahay ni Kuya sa reality talent show na Pinoy Big Brother, kung saan ay mas lalo pa siyang hinangaan at nakilala ng publiko.




Photo credits: Rita Gabiola | Instagram

Dahil nga sa hindi inaasahang katanyagan ay nabago ang buhay ni Rita, bukod sa nakakakain na ang kanyang pamilya ng sapat, napaayos na rin niya ang kanilang tahanan. At kung noon nga ay walang nagsisilbing palikuran ang kanilang bahay, ngayon nga ay may maayos na palikuran na ito.

Photo credits: Rita Gabiola | Instagram

Samantala, dahil nga laki sa hirap ay malaki rin ang pangarap ni Rita at isa sa pangarap niya na natupad ay ang pagbabalik niya sa pag-aaral. Ngayon nga ay isa na siyang iskolar na kung saan ay patuloy na nangangarap na maging isang guro upang mas mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Photo credits: Rita Gabiola | Instagram

Dahil nga, taglay ni Rita ang natural na kagandahan, ay marami ang nag-aalok sa kanya upang maging modelo, ngunit mas nais ni Badjao Girl na magpokus at taposin muna ang kanyang pag-aaral nang sagayon ay matupad ang kanyang pangarap na maging guro.




Photo credits: Rita Gabiola | Instagram

Hindi naman nakakalimot si Rita sa mga taong naging daan at tumulong sa kanya upang mabago ang kanyang buhay. Kaya naman, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa mga ito, dahil kung hindi dahil sa mga taong ito ay wala siya ngayon sa tagumpay na kanyang tinatamasa.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments