Dating PBB Housemate na si Robi Domingo, Ipinasilip ang kanilang Napakagandang “PBB Inspired” Family House

Taong 2008 nang una nating masilayan ang aktor, VJ at host na ngayong si Robi Domingo sa talent reality competition na Pinoy Big Brother. Nagsimula nga ang karera ni Robi sa showbiz matapos niyang magwagi bilang 1st Runner up sa Teen Edition Plus ng naturang kompetisyon kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento.

Hindi naman maitatanggi na malayo na ang narating na tagumpay ni Robi sa kanyang tinatahak na karera. At sa kabila nga ng tinatamasa niyang tagumpay ay malaking parte nito ang kanilang tahanan. Ito nga ang kanilang family house na naging tahanan niya magmula noong lumabas siya sa Bahay ni Kuya.




Sa Youtube Channel ni Robi ibinahagi niya ang isang vlog kung saan tampok ang house tour sa kanilang family house na “PBB inspired”. Makikita nga sa labas ng kanilang bahay ang laki at ganda ng disenyo nito. Kapansin-pansin nga ang mga luntiang halaman sa labas ng kanilang bahay na nakadagdag ng kagandahan rito.

Samantala, pagpasok sa loob ng kanilang tahanan ay makikita ang maaliwalas na kapaligiran kung saan mararamdaman na tila nasa gitna ng kalikasan at natural na natural ang dating. Sasalubong naman sa mga bisita ang isang baby grand piano sa kanilang living area, at ito nga ay regalo sa kanya ni Dra. Vicki Belo. Ang entertainment area naman ang lugar kung saan sila madalas magbonding ng kanyang pamilya, ito na rin ang lugar kung saan nila madalas pag-usapan ang mga bagay-bagay.

Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel

Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel




Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel

Ang family house ngang ito nina Robi ay may Zen type na disenyo kung saan hango sa mga Japanese. Hindi maikakaila ang ganda ng kanilang tahanan sa taglay nitong disenyo.
Samantala, ipinakita rin ni Robi ang kanilang dining at kitchen area na may modernong disenyo. At tulad nga ng Bahay ni Kuya na may storage room, ay mayroon ring storage room ang tahanan ng pamilya ni Robi kung saan nakalagay ang mga stocks ng kanilang pagkain.

Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel

Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel

Ang master’s bedroom naman ay matatagpuan sa unang palapag ng bahay kung saan ang natutulog ay ang kanyang lola. Samantala, sa ikalawang palapag naman makikita ang iba pang bedrooms ng kanilang pamilya. At tulad rin ng PPB House ay may confession room rin ito. Ito nga ang nagsisilbi nilang prayer room kung saan makikita ang isang malaking krus na nabili nila sa Bulacan. Makikita rin rito ang ilang religious artifacts na mula naman sa iba’t ibang lugar, lalo na sa ibang bansa.

Ipinakita rin ni Robi ang kanyang kwarto kung saan kasama niyang natutulog rito ang kanyang kapatid na si Maro. Sa kanyang simpleng kwarto nga nakapaloob ang kanyang mga natanggap na pangaral at koleksyon ng iba’t ibang klaseng laruan. Kapansin-pansin rin ang isang white board, at dito naman nakasulat ang kanyang mga schedule.

Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel

Ibinahagi rin ni Robi ang garden ng kanyang ama kung saan naman nakatanim ang iba’t ibang klaseng halaman. May makikita ring green house rito na tinawag nga ni Robi na isa sa proyekto ng kanyang ama.




Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel

Photo credits: Robi Domingo | YouTube Channel

Sa huling bahagi naman ng video, ay ipinakita naman ni Robi ang swimming pool ng kanilang tahanan. Kadalasan nga, ay dito isinasagawa ng kanyang pamilya ang mga party. Tila nga naenjoy ni Robi ang house tour sa kanilang family house kung kaya’t tuluyan na siyang naligo sa swimming pool.


Source: Ptama

Post a Comment

0 Comments